MASAMA BA AKONG KAIBIGAN?

Mga tao sa ishishare ko. Asawa ko, 2 Kumpare namin at Kababata ko. Yung Isa sa kumpare namin, jowa ni kababata ko which is si kumpare number 1. Si kumpare number 2 naman is ex ni kababata. Nag inuman sila dito sa bahay.. Nag kwentuhan kami ni kababata kasi tagal di nagkita.. Then lumabas yung mga boys at kami lang naiwan. Kinabukasan, nagulat ako.. Sabi daw sakanya ni kumpare number 2 na ex ni kababata, "Dapat daw siya yung nasa pwesto/kalagayan ko." Meaning sana siya yung kinakasama ng asawa ko at nanay ng anak ko." Palagi niya kasing pinagpipilitan na magkabatch daw sila ng asawa ko which is hindi naman talaga.. Porket may picture lang na lumabas na nandon sila pareho. Nagkakilala kasi kami ng asawa ko sa isang GC. Mga magkakakilala na same school nung highschool. Kami lang nagkachat non tapos nagkapalagayan gn loob. Nung time na nag uusap palang kami ng asawa ko.. As in friends palang talaga.. Nagulat ako sa sinabi ng kababata ko na, "Nanliligaw na sayo no?" "Highschool palang kya nanliligaw na siya sakin.. Di lang niya masabi directly" Tapos bigla nalang niya ko di kinausap. Tapos kagabi nalang ulit kami nagkita kita . Jusko. Hindi ko alam magiging reaksyon ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hehe past is past yaan mo na lng. kasal k Naman na kaya balewalain mo na yung mga ganyan.