NAKAKAINIS!!!

mga sissy. may kwento ako sa inyo, so nagpacheck up ako non. 2 months na daw ako non sabi ni doc kase katapusan ako nagpacheck up eh, edi nakakatuwa kase buo na si baby may ulo na katawan na ganon nakakalambot ng puso. tuwang tuwa ako ♥️ kase di ko tanda yung lmp ko nung checkup ko non sabi ko baka 24 or 25 last day. ayon pala last mens ko 30 tapos 31 at november 1 spotting pako, so need ko pabago kase due date na binigay saken ni doc august 5, kaya yung 2months ko non nung nilagay ko dito sa app nakalagay 13weeks na attttt sabi ni doc next check up ako resetahan ng gatas kase nagmomorning sickness pako baka isuka ko lang daw yung gatas na irereseta saken so obimin palang. then yung daddy ng baby ko alam nyang kanya yon sya lang naman naka chukchakan ko sa lahat lahat talaga eh kumbaga first and last, so ayon alam nya sa sarili nya yung ginawa nya so pinanagutan nya naman pero di sya nakakasama sa check up. tapos dapat netong feb 25 check up ko na ulet, then biglang kahapon may nakausap daw sya na doctor na yung 2 mos daw eh munggo lang daw hindi pa daw buo dapat yon hahaha so natawa ako. sabi nya galingan daw ng ob ko at mga friends ko umarte, galing tumakas sa responsibilidad mga sis!! hindi daw kanya yon ang laki daw ng 2mos=11 weeks yung baby ko non at eto pa ha tinawag nyang dragon yung anak ko na anak nya den naman grabe pakawalang bayag!!! tapos gusto nya kunin lahat ng papers, ultrasound, lab test, etc. na hawak ko ngayon tapos don daw ako sa abnormal na doctor na sinasabi nya magpatingen lol. sis ano masasabi nyo?? ?

NAKAKAINIS!!!
106 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nga sis tinakbuhan eh literal di nagpakita, pero nakunsensya ata nung hinanap ko at medyo napahiya na ayun humarap na sa responsibilidad nya ngayon. Sana lang maging consistent. Tanga na sya? Kaya nya makipag sex pero pag may nabuo gawa nalang kahit anong dahilan? Mga lalaki talaga utak munggo. For me lang ha piece of advice. Wag ka magpakastress sa mga ganyang hayop para maging healthy si baby, pero try mo pa din kausapin sa pinakamaayos na paraan yung bf mo, kung may puso yan makukunsensya yan, si daddy nga nung baby ko pinasama ko sa ultrasound ko nung nakikita nya anak nya di na maipinta yung mukha though napakacold talaga ng trato nya sakin everyday kumbaga para sa bata nalang, nagulat din ako nung di maipaliwanag yung ngiti nya. Atleast ngayon samin kahit papano may nagbago kahit gano din sya kagalit noon ngayon kahit konti atleast may support, though alam kong mahirap ayusin. Pero kung wala talaga at tingin mo you tried your best stop na pero atleast alam mo sa sarili mo na ginawa mo yung part mo para sa anak mo. Maging busy ka sa ibang bagay always positive and healthy para kay baby and mag pray ka lang. Walang magandang mangyayari sa mga ganyang klase ng lalaki. Congrats sa blessing mo 💓

Magbasa pa