NAKAKAINIS!!!

mga sissy. may kwento ako sa inyo, so nagpacheck up ako non. 2 months na daw ako non sabi ni doc kase katapusan ako nagpacheck up eh, edi nakakatuwa kase buo na si baby may ulo na katawan na ganon nakakalambot ng puso. tuwang tuwa ako ♥️ kase di ko tanda yung lmp ko nung checkup ko non sabi ko baka 24 or 25 last day. ayon pala last mens ko 30 tapos 31 at november 1 spotting pako, so need ko pabago kase due date na binigay saken ni doc august 5, kaya yung 2months ko non nung nilagay ko dito sa app nakalagay 13weeks na attttt sabi ni doc next check up ako resetahan ng gatas kase nagmomorning sickness pako baka isuka ko lang daw yung gatas na irereseta saken so obimin palang. then yung daddy ng baby ko alam nyang kanya yon sya lang naman naka chukchakan ko sa lahat lahat talaga eh kumbaga first and last, so ayon alam nya sa sarili nya yung ginawa nya so pinanagutan nya naman pero di sya nakakasama sa check up. tapos dapat netong feb 25 check up ko na ulet, then biglang kahapon may nakausap daw sya na doctor na yung 2 mos daw eh munggo lang daw hindi pa daw buo dapat yon hahaha so natawa ako. sabi nya galingan daw ng ob ko at mga friends ko umarte, galing tumakas sa responsibilidad mga sis!! hindi daw kanya yon ang laki daw ng 2mos=11 weeks yung baby ko non at eto pa ha tinawag nyang dragon yung anak ko na anak nya den naman grabe pakawalang bayag!!! tapos gusto nya kunin lahat ng papers, ultrasound, lab test, etc. na hawak ko ngayon tapos don daw ako sa abnormal na doctor na sinasabi nya magpatingen lol. sis ano masasabi nyo?? ?

106 Replies

Luh. Pwede mo siya isama sa ob mo, sis. At sabihin mo kay ob lahat. Kakairita yang ganyan na lalaki

true sis lakas lulusutan pako sis jusko 😂 haha matatawa ka nalabg talaga sis

sabihin nio po ate nagkalat na info sa google at youtube search siya pag may time 🤣

Ayan ba talaga ultrasound mo ? May nakita akung gnyang ultrasound sa google gnyan na ganyan

alam nya nama sis. sinabi nya at inamin nya na ginusto nya then sa lahat ng mga paglilihi ko di ko sya nilapitan nagpapadala sya pag may kelangan ako pero dalawang beses lang pang vitamins and check up ayon lang kase alam nya sa sarili nya ginawa nya then biglang nung 25 sis biglang umeksena lumulusot ginagawang munggo yung 2months doctor daw nakausap nya galingan daw umarte ng ob ko lol ginagawa nya pang sinungaling halatang nahanap ng butas

mom Ito Yung akin,14weeks buo na kitang Kita na nga ang nasal bone niya🥰👶

jowa mo ang ga-munggo ang utak! leave him.. wala ka mapapala jan.. away lang kayo!!!

Ga**😄 nakakasama naman ng loob ung ganyan.. hay naku. Pag iisipan ka pa ng masama

VIP Member

Hayaan muna sya sis walang kwentang lalaki ang ganyan.. Btw same tayo nang OB😇

Patingin sis. Ng ultrasound mo nung 2months ano ba size ng baby mo Base sa CRL ?

Sa kin sis ganyan na sya kalaki nung 2mos. Kumpleto na daw yan sabi ng ob ko

Ano size ng CRL nya dyan sis?

Baka 3 mons po sjnasani niyo. 12 weeks kasi 3 mons na eh sabi mo 11 weeks ka na rin?

true sis going to 3mos na sya sis kase katapusan na yon eh, bali 11 weeks kase ibig sabihin dalawang buwan at kalahati na po

Trending na Tanong