Fears!

Hi mga sis share ko lang. Wala kasi ako mapag sabihan. Normal lang ba sa buntis na madaling magtampo, malungkot, umiyak at mag isip ng mag isip? Sa totoo lang hnd ako natatakot manganak or siguro maaga pa kaya hnd ko pa nafefeel (kaka 6 months palang ni baby sa tummy). Natatakot ako ba baka mapano si baby, na baka hnd ko ma provide mga kailangan niya, baka hnd sapat gatas ko. Super love ko si baby kay nilalakasan ko loob ko pero minsan hnd kaya nakakaiyak talaga..

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din maraming fears ngayon lalo sa nalalapit na paglabas ni baby. 36weeks nko ngayon. Single parent ako matic paglabas ni baby, niloko kc ko na bf ko. Kaya i chose to raise this alone. Breadwinner pa ko, saken nakaasa parents ko at syempre lahat ng bills saken. Ung expenses talaga pinakawino-worry ko. Baka kulangin ako, baka diko maprovide needs ni baby. Though nangangamba ako ngayon, pinapagpasa Diyos ko na lang lahat. Pray lang tayo sis. I believe God will provide. C God na lang talaga tanging hingahan ko ngayon ng lahat ng problems ko.

Magbasa pa