CS delivery experience
mga sis, pa share naman ng cs experience ninyo. schedule cs ako this sunday dahil nka breech position si baby at 37 weeks. any tips and reminder po? salamat

First time mommy kaba sis? Same case tayo eh. Na CS din ako kasi breech din si baby ko, CS kasi galing palang din ako sa miscarriage kaya naniguro na. Pero at 38weeks na scheduled cs ko nun kasi hindi pa nawawalan ng pag asa OB ko na baka umikot pa daw kaya panay ang ultrasound niya kada check up 😅 As per my advice sis, mag relax kalang sis at wag mag isip ng anything negative. I assure you wala ka namang mararamdaman during the operation dahil may anesthesia naman. Sa experience ko i chose na drowsy lang ako instead na tulog kaya alam ko mga nangyayari sa operating room pero wala akong sakit na naramdaman nakita at nakiss ko si baby kasi gising ako.. Sa recovery period naman sis, i mean pag tapos ng ilang days honestly wala din ako masyadong pain na naramdaman siguro dahil sa pain reliever hanggang sa makauwi na kami.. Kirot kirot lang ng konti saka ingat sa galaw. The next day after mo manganak sis pinapagalaw kana ng mga nurse usually sa hospital nagalit pa nga ako kasi sabi ko bakit niyo ako minamadali kumilos kahapon palang CS ko, haha. Pero kaya naman sis.. All in all maganda experience ko sa CS operation sis. Ang haba ng message ko.. Hehe. Basta wag matakot sis. Kayang kaya mo yan.
Magbasa pa