TAMA LANG BA YUNG GINAWA KO?

Hello mga sis magsusurvey lang sana ako kung tama ba ang ginawa ko? I'm currently 24weeks pregnant (6months) with TWINS? Walang trabaho ang asawa ko pero may negosyo naman silang sarili at dun sya umeextra at binibigyan naman kmi. (below minimum wage) nung 4months palang ang tiyan ko nag unti-unti na ako ng gamit ng babies ko, pero mga susuotin palang wala pa ung mga personal hygiene. Nung nag 5months naman nakumpleto ko na. Ngayong 6months na ang tyan ko gusto ko na din unti untiin ang mga personal hygienes nila like diaper, alcohol etc. Para po pag tungtong ng december, january at february ay pera naman ang iipunin ko for my delivery. Tama lang po ba ung ginawa ko? Sobrang mahal napo kasi ng mga bilihin . Praktikal po ba? Hndi po ba ako masyadong exited? Dami po kasi kumokontra na wala pa daw seven months eh nag gagayak na ako for my twins. Para sakin kasi baka mabigla ako ng gastos. Double baby double gastos. Pero for me blessing sila. Thankyou mga mommy kahit mejo napahaba??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

mas okay nga po yung nag unti unti ka hanggang sa makumpleto 😊 ako nga po na isa lang baby ko sa tummy hirap na sa pag unti unti ng gamot pero complete na siya ngayon hehe yun pa po kayang may twins mas okay na paghandaan ng maaga kesa nganga pagdating ng araw na manganganak ka na