Late filing of SSS Maternity Notification: What to do?

Hi mga sis, first time preggy here. Now lang po ako kapag file ng SSS Maternity Notification ko and I am already at my 19 weeks of pregnancy. Sabi po ng HR namin baka daw ma-late filing na ako, meaning po BAKA DAW HINDI NA MAAPPROVE ang SSS Maternity Notification ko. Ibig sabihin po wala akong makukuhang benefits sa SSS kapag nanganak na ako. Ang rason ay dahil lang late na daw ako nag file ng Maternity Application ko. Ang tamang pagfi-file daw po is from the time na may positive transV result ka na until maximum of 3rd months lang ng pregnancy (12 weeks). I admit at some point may mali ako, kasi I should ask. Pero since first pregnancy ko po ito ang dami ko pang hindi alam. Ang akin lang parang unfair naman kung hindi nila igrant yung maternity benefits ko, active payer naman ako and Contributor ng SSS mula pa nung nag katrabaho ako. Parang hindi naman po tama kung hindi nila igrant yun diba po..? Meron na po bang naka experience na dito ng late filing of SSS Maternity Application and ano pong nangyari? Please give me advice naman po kung ano ang mga requirements and if may sample po kayo ng proseso. Nakakastress po kasi toh eh.. I felt really bad. ? ? TIA.

169 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pwde pa sis,punta k po ng sss submit mo po ung mat1 ultrasound at dala k id,ako 6months n po ako ngsubmit ng mat 1 ko.pwdeng pwde pa po ung sau sis.tamad lang hr nyo,kaw nlang po maglakad sayang nman makukuha mo s matben mo po.

VIP Member

Pwede yan 19 weeks ka palang e. Pano kung ngayun mo lang nalaman na preggy ka diba? Shady naman yan HR niyo baka di sila naghuhulog ng part nila sa sss mo or dinidiscourage ka nila kasi part ng mat benefit mo ay babayaran nila.

Okay lang naman yan ako din employed, meron akong colleague na late na din nakapag file almost 4 months na siya. Pwede naman, tinanggap naman ni sss kasi late na sya nakapag paultrasound. Wala namang naging problema. 😊😊

VIP Member

Wuy hindi po ah. HR nyo naku may iba nga nakapanganak na nakakapag file pa. Late filing oo pero ma aaproved pa rin yan no. Chena chena ng HR nyo. As long as buntis kapa nag file okay pa yan. Mas ma proseso pag nakapanganak na

Sa 1st baby ko, hiningan lang ako letter of explanation bakit late ako nag pass requirements. Now na man, 7 months preggy na ako nagsubmit kasi lumipat ng work. Approved na man. Mat1, ultrasound at sss contri lang pinasa ko.

Kahit nga after ng delivery ka mag file tatanggapin pa rin eh, may bilang lang nga ng days right after delivery dapat mafile mo na siya para i grant pa. State ka lang reason bat di nakapag file within the 9 months period.

Mali po HR nio 20 weeks na ako nung nag file ng MAT 1 ko sa SSS and tinanggap nila.... Baka naman sila ung malelate magsubmit ng maternity notif mo or company policy nila yan na kelangan mo mag file ng mas maaga....

Late ako nagfile mamsh pero pnagawa lng ako ng explanation letter ng company kung san ako nagwowork bakit late filing ako ng Mat 1 ko. Sila na nag asikaso bnigay ko lng sakanila ung mga needed na requirements.

TapFluencer

Wow ahh OA sila kamo.. Ako 4 months na tiyan ko nung nagfile ako ng Mat1 sa employer ko.. Sabihin mo pupunta ka ng SSS at nang maverify sa kanila if totoo sinasabi nyo.. Pag hindi sa DOLE na tayo magkita kamo.

VIP Member

Pwede pa po yan. Baka tinatamad lang HR niyo mag-asikaso, kayo na lang magfile sa mismong SSS. Dalhin niyo lang po yung ultrasound niyo. Nung nagfile din ako ng Maternity sa SSS mag-4 months na tiyan ko eh.