Late filing of SSS Maternity Notification: What to do?

Hi mga sis, first time preggy here. Now lang po ako kapag file ng SSS Maternity Notification ko and I am already at my 19 weeks of pregnancy. Sabi po ng HR namin baka daw ma-late filing na ako, meaning po BAKA DAW HINDI NA MAAPPROVE ang SSS Maternity Notification ko. Ibig sabihin po wala akong makukuhang benefits sa SSS kapag nanganak na ako. Ang rason ay dahil lang late na daw ako nag file ng Maternity Application ko. Ang tamang pagfi-file daw po is from the time na may positive transV result ka na until maximum of 3rd months lang ng pregnancy (12 weeks). I admit at some point may mali ako, kasi I should ask. Pero since first pregnancy ko po ito ang dami ko pang hindi alam. Ang akin lang parang unfair naman kung hindi nila igrant yung maternity benefits ko, active payer naman ako and Contributor ng SSS mula pa nung nag katrabaho ako. Parang hindi naman po tama kung hindi nila igrant yun diba po..? Meron na po bang naka experience na dito ng late filing of SSS Maternity Application and ano pong nangyari? Please give me advice naman po kung ano ang mga requirements and if may sample po kayo ng proseso. Nakakastress po kasi toh eh.. I felt really bad. ? ? TIA.

169 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hai po itatanong ko Lang po Kong pwede ba ako mag file nag maternity if Yung last hulog ko pa January 2020 tas hulugan ko nlang Yung mga hndi nahulugan edd ko po is march 2022 qualified po kaya ako,,,?

Wag ka maniwala Mamsh! Edd ko October 12 nag file ako katapusan ng August as in. Kelan pa nauso yung late Filing? Kakakuha ko lng ng MAT 1 ko last week. Kaya plese wag ka maniwala and bumalik ka dun

Try mo pumunta s SSS, wag k making sa HR nyo...as long as my pirma ng HR nyo ung MAT1 mo...bsta po hnd kapa manganganak,pwede kapa magfile s SSS. MAT2 nmn kahit umabot ng 10y/o ang baby Ok lang po.

3y ago

Ganun ako kasi September ako manganganak wala hulog sss pwdi hulugan 6 months lng file mat 1

Not true po kasi ako nakapagpasa ako ng MAT1 saHR ko nung 8 months na ako tapos mga 2 weeks tumawag ako sa sss para malaman kung approve ba tapos ayun ok naman na kaya inadvance na ni employer sakin

Pwede pa yan, yung kawork ko 7mos na nag file ng Maternity Benefits niya nakakuha naman. Wag ka maniwala sa HR niyo sa SSS ka dumiretso. Wala din akong tiwala sa mga HR eh mga tamad yang mga yan.

VIP Member

Naku prang yung HR nyo ata dapat may file .. mag file ng resignation.. hindi nya alam trabaho nya... wlang late filing sa SSS.. ung iba nga nakapanganak na tska plang nag file..

Pwede pa po Yan. Ako kahapon lang nag file Ng sss maternity notification. 7 months na tummy ko. Qualified Naman nka lagay at pinapabalik ako after manganak para mag file Ng MAT2

Pwede pa po yan. Mas maganda kung sa sss ka mismo makipag usap. D alam ng HR niyo na pwede yan.. Basta may TVS ka saka fill out mo yong mat 1 form. Pwede ka naman direct mag pasa non sa sss.

ako 16weeks na, nung nakapag.apply po sa mat-1. na. approve naman po. mas okay po kung pupunta ka nalang po mismo sa sss. para mas sigurado po. tas dalhin nyo na po mga form na kailangan.

Tanong ko laang po paano po mag file ng sss maternity Nakunan kase ako sabi kasi ng mga HR doctor sa Company mag ano daw ako sa Online po ehh wala naman po kase ako alam sa ganyan po ehh