โœ•

110 Replies

Nag-bleed po ba kayo sis? Ako kasi oo. 5 weeks ata ako nung dinugo ako at may nakitang subchorionic hemorrhage sa loob. Duphaston and Duvadilan 3x a day ako since then hanggang ngayong 16 weeks+ na ako. Continuous lang daw sabi ni OB, although nung nagpa-doppler ako dito sa midwife malapit sa amin (no checkup with my OB kasi po lockdown), ang sabi niya itigil ko na daw. Siyempre mas naniwala ako sa OB ko itinuloy ko lang, pero ginawa ko lang twice a day. Ito this morning when I woke up, cramps agad ๐Ÿ˜“ Kainis. Kakasawa rin uminom ng maraming gamot, pero kailangan kasi. Nakakatakot rin kasi i-compromise ang baby.

Yes meron din ako nung two to three mos pinag te take ako, daily - two types, twice a day. Working soon to be mumsh here. E hindi ko trip yung med - nag te take lang ako kapag may out of town pero daily? Hindi. 29wks here. Ganda daw heartbeat ni bebeko sabe OB and healthy - paka likot kase sa loob ko e. Vitamins and anmum lang, walang pampakapit. Fruits daily, (yes daily hindi ako mapalagay kapag walang fruits sa isang araw, two to three types fruits daily). Hindi ako mapag veggies, yoko! Hahahahaha. Pero madalas may sabaw ulam - sabaw lang saken ulam na e, basta ayoko veggies HAHAHAHAHA

Oo sis mahal po talaga yung pampakapit. Pero kahit na medyo may kamahalan sya, bilhin mo pa rin. Ang laki ng tulong nyan para ky baby. Baka sensitive ka magbuntis kaya neresitahan ka. Ako kasi mula 3 months gang 5 months ako nag take nyan. Kahit mahal para ky baby bibilhin ko. Twice na kasi ako nakunan nung 1st at 2nd ko neresitahan din ako nyan. E Di ko seneryoso sa pag maintain kasi nga ang mahal grabe. Ayon iniwan ako ng maaga ng mga Angel ko. Kaya advice ko sayo bilhin mo kasi regrets ay laging nasa huli. ๐Ÿ˜”

Sis wag mo isipin ang presyo, mas mahalaga parin ang buhay ng baby mo. Hindi matutumbasan ng pera ang maibibigay na kaligayahan ng baby mo sa inyo. Priceless & worth it. ๐Ÿ˜Š Try mo bumili sa mismong OB mo sis, alam ko mas mura sa kanila kase nagtanong ako sa labas. Sa OB ko P50/tab bili ko sa kanila ng Duphaston at nasa P25/tab naman yung Duvadilan. 3x a day ako nagtatake sis at bed rest lang din. Malalagpasan din natin to sis. Have faith. God bless on our pregnancy journey. ๐Ÿค—๐Ÿ’•

Ako duphaston since nbuntis ako for 1 month nung November. Tas duvadilan from Febrauary din till now 7 months n ko. Totally bedrest ako tlg.. lagi nasakit puson ko halos kala mo malalaglag.. ngaun ok na nman.. ewan ko lng pag hininto ko ang duvadilan. Sna ok na ko pag hininto ko. Kc dati pinahinto sa akin duphaston at divadilan tpos sumasakit ulit puson ko.. kaya pinainom ulit ako. Threatened abortion kc ako nung una. Spotting din ako. Hopefully ok na ko kc for this week nlng ang divadilan ko

Ang importante sis ligtas si baby. Ako din nun di pa man masakit tyan ko o puson niresetahan na ako nun. Sabi for emergency daw kung sumakit ang tyan ko. Tapos pag lipas kinabukasan ayun na nga sumakit na sya, buti nalang may contact ako sa ob ko kaya sinabi nya uminom daw ako. Para kasi kumapit si baby. Nasa stage ka pa kasi ng maselang pagbubuntis. Usually kapag 2months high risk talaga na makunan. Tiis lang mommy. Para kay baby.

TapFluencer

Oo sis duphaston mahal talaga 80isa isipin mo yun kung ilang weeks kang iinom tapos 2x a day pa lalong nakaka stress. Kaya pilitin nu mommy wag masyado magisip isip at mag total bed rest ka. Di ka kikilos gawaing bahay. Kakain hihiga at tatayo ka lang pag mag cr. Believe me mgiging ok ka na agad nyan. Iwas nadin mag do minsan kasi bukod sa stress at pagod nakakacause din ng bleeding or spotting sa buntis.

Almost 2 - 3 months siguro ako nainom ng pampakapit. Luckily, meron available sa clinic ng OB ko niyan, 35 php lang po pero Abott din po ang brand. Minsan nakakabili din ako sa Mercury drugs almost 75 php nga po. Well no choice po tayo, dahil ang pagbubuntis ay mahal talaga at dapat handa ang katawan and bulsa mo na din po. Para naman kay baby kaya push na lang. ๐Ÿ˜‰

Buti ka pa nga momshie twice a day lang. Nong una kong visit sa ob ko niresetahan nya na ako agad ng duphaston at isoxilan kc may history ako ng miscarriage. Saken thrice a day mas masakit sa bulsa naka 9,247 pesos din kami sa gamot at di pa kasama ang dalawang vitamins na nireseta nya. Well para sa ikakabuti ng baby gagawin mo ang lahat.

Progesterone 60 lang. Ganyan din ako noon, andaming meds kasama na yang pampakapit. Wag mo sana isipin ang pera sis, napapalitan yan. Ako nga grabcar pa everyday papasok at pauwi para lang ma sure na di ako matagtag. Roughly 400per day pamasahe pa lang. Di matutumbasan ng pera ang kaligtasan ni baby sis. Godbless po..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles