Ang hirap mag desisyon

Mga sis alam na ng side ko na buntis ako pano ba yun naguguluhan ako sa gusto nila sakin iapelyido ang bata eh ayaw ng partner ko gusto nya apelyido nya dipadin kami pwede ikasal pano bato kung kayo ba ano gagawin nyo ipag lalaban nyo ba anak at karapatan ng partner nyo? Aalis na sana ako mag aabroad na sana ako kaso na ano kase nga ito nabuntis ako ok lang sa mama ko at sa kuya ko at sa isa kung ate kase andito namn na daw to kaso ang papa ko ang gusto nya ibigay ko ang bata sa ate ko na wala pang anak 😭😭tas ilalayo sa partner ko ang bata at ako rin ang hirap ng gusto nila panoba yun ilang gabi naku na i stress kakaisip kung ano ba desisyon ko.... Ang gusyo ko namn mag live in kami ng partner ko habang hindi pa pwede kami ikasal hanggat hindi pa naaayos ang lahat kase hindi nya namn ako tinalikuran nung nalamn namin na buntis pala ako pwede namn kami mag live in kawawa ang bata kung mali man nagawa kung desisyon gindi ako makapag isip ng maayos 😭.....

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Una po bakit hindi kau pede ikasal? minor ka pa ba? or may sabit si partner? Maaring nasabi ng pamilya mo na wag ipangalan sa partner mo kung sya ay may sabit kasi malaking problema yan kung sakali lalo nat hindi pa naman separated. Yun lang naiisip ko na dahilan kung bakit ayaw nila isunod sa name ng partner mo. Pero kung hindi naman ganun ang sitwasyon, wala naman problema na isunod sa name nya lalo nat gusto naman pala ni partner mo. Pangalawa, bakit naman naisipan na ibigay sa ate mo ang anak mo eh anjan ka naman. May rason ang pamilya mo sigurado kasi kung wala naman sabit kau pareho wala naman rason para ipagkait ang name at walang reason ipamigay ang anak mo.

Magbasa pa
3y ago

ok sis, ikaw pala din yung nag hingi before ng advise. Wag ka na muna pa stress sa sitwasyon kaso baka makasama sa baby mo. Kung ako po tatanungin mo, kung ano sa sarili mo ang tamang gawin un ang sundin mo kasi mahirap magsisis sa huli. Kung talagang mahal nyo naman ang isat isa ipaglaban nyo ang kagustuhan nyo na ipangalan sa partner mo ang baby kasi base sa kwento mo responsible father naman sya kasi hindi ka nya iniwan ngayon lalo nat buntis ka, kasi ung iba na nababasa ko dito iniwan ng partner ng malaman na buntis si girl. Saka right ni partner mo na dalhin apelyido nya kasi sya ang tatay. At wag ka papayag na ipamigay anak mo please.