Couzin in-law

Hi mga sis, advice naman. Dapat ba akong magalit, magselos? Or hindi? Ganito kase yung babaeng pinsan yung hubby ko sobrang close niya sa asawa ko, yung tipong kapag dadating siya ng bahay (kasama kase namin siya sa bahay eh, dahil ng work niya) so yun nga pagdadating siya, yayakapin at ikikiss niya hubby ko sa pisnge kahit kaharap ako, umiiwas naman na hubby ko pero ginagawa niya kase yun pag kumakain kami tapos nakatalikod hubby ko and yun dun niya gagawin syempre hindi alam ni hubby, diba po nakakabastos? Parang wala siyang respeto sa akin. Nasasaktan ako, oo hindi ko dapat sya pagselosan kase pinsan siya and sabi niya ganon dw talaga siya, pero okay lang sana kung sa lahat ng pinsan niya na lalaki eh ganon siya, kaso sa asawa ko lang siya ganon e ? tapos eto pa yung pinaka diko nagustuhan sakanya nung time na naguusap kami ni hubby tapos sabi ni hubby "Nagiisip ako ng kakainin ko" tama ba yung sumabat siya na "AKO" Tama lang ba yun mga sis? Ayoko naman ng ganon, nakakabastos eh. ? Need advice po.

181 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hala bakit pumapayag ka? paalisin mo yan jusko. pero kung kayo nakikitira, kayo umalis dyan. Close kami ng mga pinsan ko pero di naman kami ganyan.

VIP Member

Kausapin mo n lng ng masinsinnan hubby mo na paalisin sa bahay ung cousin.. May mga true stories na nagkaka gustuhan magpinsan at nag ka anak pa.

Nakakabastos nga po yan kapag ganon, mas maganda po sana na kausapin mo si pinsan ng asawa mo in private para po malaman nya yong side mo 😊

Baka hindi tlaga sila pinsan baka palabas lang nila na mag pinsan sila.. Pero merun nmn mag pinsan na nag asawahan gaya ng kapitbahay namin..

VIP Member

Kausapin mo sis ung hubby mo sis na humanap nalang ang cousin nya ng ibang matirhan. Kasi baka makacause pa ng lamat yan sa pagsasama nyo.

Parang walang matinong babae gagawa at magsasabi niyan, lalo pa magpinsan sila. Kausapin mo hubby mo, maiintindihan ka naman niya siguro.

TapFluencer

yes something sounds fishy.. talk to her and tell her na u cant tolerate that kind of attitude sa house nyo. well your house, your rules

Kung ako yan sinampal ko nayan napaka harot halata naman tsaka di pwede di pag selosan kahit sino pa yan jung ganyan kadikit na linta

Ako nga dati nung high school ako habang natutulog ako nagulat nalang ako na hinahalikan ako ng pinsan ko. Napabangon ako di oras eh

not normal. pinsan nga sya pero halatang malandi at may gusto sa asawa mo. i think part din sa mga objective nya yung mag selos ka.