Couzin in-law

Hi mga sis, advice naman. Dapat ba akong magalit, magselos? Or hindi? Ganito kase yung babaeng pinsan yung hubby ko sobrang close niya sa asawa ko, yung tipong kapag dadating siya ng bahay (kasama kase namin siya sa bahay eh, dahil ng work niya) so yun nga pagdadating siya, yayakapin at ikikiss niya hubby ko sa pisnge kahit kaharap ako, umiiwas naman na hubby ko pero ginagawa niya kase yun pag kumakain kami tapos nakatalikod hubby ko and yun dun niya gagawin syempre hindi alam ni hubby, diba po nakakabastos? Parang wala siyang respeto sa akin. Nasasaktan ako, oo hindi ko dapat sya pagselosan kase pinsan siya and sabi niya ganon dw talaga siya, pero okay lang sana kung sa lahat ng pinsan niya na lalaki eh ganon siya, kaso sa asawa ko lang siya ganon e ? tapos eto pa yung pinaka diko nagustuhan sakanya nung time na naguusap kami ni hubby tapos sabi ni hubby "Nagiisip ako ng kakainin ko" tama ba yung sumabat siya na "AKO" Tama lang ba yun mga sis? Ayoko naman ng ganon, nakakabastos eh. ? Need advice po.

181 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pinsan ba tlga yan hubby mo as in blood related baka nman po pinsan pinsanan, kasi wala pinsan kahit close ganyan umasta at gumalaw

Nakuuuuu...something's fishy sis! Pagsabihan mo yung pinsan ng asawa mo na ayaw mo yung ganon. Pagsabihan mo din asawa mo sis....

Naku sis palayasin mo na yan. Ahas yan sa bahay. Miske pinsan nya pa yan alamin nya kung hanggang san lang siya.

VIP Member

Kung ako yan praprangkahin ko na yan. Asawa ka momsh. Nasa lugar ka magreklamo at magsalita sa kalandian na nangyayari na yan.

VIP Member

Eeh momsh iba na yan. Palayasin yan sa bahay! Napakauncomfortable naman niyan. Hindi ba siya pwedeng pagsabihan ng mister mo?

Nku prng iba nga yn kausapin mo nlng c hubby mo n ayaw mo ng gnun di k n ntutuwa. Mgsearch k sa babae n yn kung pinsan b tlg?

uso pa rin sis sa panahon nten ang incest . baka sa sobrang kakirehan nyang pinsan ng asawa mo .. Yan pa maging kaagaw mo

VIP Member

Parang may something sila. There's a reason behind baket nya yan nagagawa sa hubby mo pero kadiri naman magpinsan pa 😂

VIP Member

Wag muna hintayin po na lumala ..isang pag mama maldita lang gawin mo sa knya para mapahiya magiiba yan.. 😊👍🏻

VIP Member

Iba aabuting pananalita at kilos magagawa ko sa asawa at pinsan niyang yan. Aba walang galang nakikitira na nga lang