Couzin in-law

Hi mga sis, advice naman. Dapat ba akong magalit, magselos? Or hindi? Ganito kase yung babaeng pinsan yung hubby ko sobrang close niya sa asawa ko, yung tipong kapag dadating siya ng bahay (kasama kase namin siya sa bahay eh, dahil ng work niya) so yun nga pagdadating siya, yayakapin at ikikiss niya hubby ko sa pisnge kahit kaharap ako, umiiwas naman na hubby ko pero ginagawa niya kase yun pag kumakain kami tapos nakatalikod hubby ko and yun dun niya gagawin syempre hindi alam ni hubby, diba po nakakabastos? Parang wala siyang respeto sa akin. Nasasaktan ako, oo hindi ko dapat sya pagselosan kase pinsan siya and sabi niya ganon dw talaga siya, pero okay lang sana kung sa lahat ng pinsan niya na lalaki eh ganon siya, kaso sa asawa ko lang siya ganon e ? tapos eto pa yung pinaka diko nagustuhan sakanya nung time na naguusap kami ni hubby tapos sabi ni hubby "Nagiisip ako ng kakainin ko" tama ba yung sumabat siya na "AKO" Tama lang ba yun mga sis? Ayoko naman ng ganon, nakakabastos eh. ? Need advice po.

181 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pahiyain mo sis kahit isang beses lang ng magdala. Or hilahin mo yung buhok palabas ng bahay niyo. Kagigil wah.

Malandi yun pinsan nya kulang sa pagmamahal yan at attention kaya ganyan paguugali nagpapaksp sa paglalandi haha

Napaalis mo nba mommy Yung pinsan Ng Asawa mo ??? Ano na po balita ??wag ka po mag patira Ng ahas sa Bahay nyo .

Grabe naman yang pinsan na yan. Paalisin nyo na. Sabi nga nung issng mommy n ngcomment wag ka mag alaga ng ahas

Di yan normal para lng sa magpinsan. Grrrr. Baka may tinatagong lihim na pagtingin yung babae sa asawa mo. ๐Ÿคฆ

May palandi effect si pinsan๐Ÿ˜‚.nangangati sigro mamsh hehe gusto cgro pakamot sa asawa mo๐Ÿ˜‚..di na nahiya..

VIP Member

Malandi yung pinsan niya. Pagsabihan mo hubby mo mamsh then palayasin na yan. Nako di uubra sakin mga ganyan.

Kausapin mo husband mo sis. Ipahiya mo na kung tuloy tuloy padin yan. To be honest, wala syang respeto sayo.

Mi mga ka kilala ako na nagkakatuluyan yung mag pinsan mommy, kaya parang ang awkward para sakin pag ganun.

Dpat kanang magalit aia. Mor talk to ur husband muna na hndi ka comfortable pra xa na magsabi sa pinsan nya