hi po mga mommy,

May mga naka experience na po ba sa inyo dito na may lumalabas na tubig sa pwerta sa ika 10 weeks and 3 days. Kasi everytime na kikilos ako may lalabas o naiihi lang. Hanggang ngayon kasi hindi pa ko nakakapag pacheck up sa Doctor. Center lang. Wala pa akong ultrasound dahil sa ecq. May folic-ferrous akong iniinom galing sa center pero vitamins at pampakapit wala pa. May history ako ng miscarriage last 2017 natatakot ako na baka makunan na naman ako. Ayoko na mangyari iyon. Kailangan na ba akong maghanap ng ospital para magpatingin. Sa ngayon naglagay muna ako ng panty liner. Nagpalit na ako ng panty kasi basa na yung una kong suot. Ayokong magisip ng masama pero natural lang ba yung may lumalabas na liquid fluid sa 10 weeks.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa tingin ko po need nyo na po magpacheck up. Or contact nyo po ob nyo.