CS Concern

Hi Mga Mumsh, sino po dito ang nag under CS? May itatanong lang po ako possible po ba na pwede ako magpacheck up sa ibang OB bukod dun sa OB na nagtahi sakin mismo nung nanganak po ako.. kse masyadong malayo po yung PGH sa bahay namin as in. Last day I try to go there but kakasakay ko palang po ng trycycle nakakaramdam ako ng hilo at lula :( kaya hindi napo ako tumuloy kase natakot po ako btw 1 week and 5 days napo yung tahi ko ngayon.. Napagdesisyunan po kase namin dto nlang sa malapit samin ako magsesearch ng good OB para macheck yung sugat ko ok lang po kaya yun ? Sana po may makasagot sakin Thank you po

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes okay lang naman po yun, as long as tanggapin ka ng new OB, kasi may ibang OB pinapabalik nila sa dati, kaya much better kung ang mahanap nyo is mabait na OB, magtanong tanong ka mamsh sa mga kakilala mo baka may OB sila na mabait at maayos. I explain mo nalang na masyado malayo yung PGH kaya kamo naisipan nyo maghanap ng ibang OB, much better din dun sa private para atleast aasikasuhin ka kasi bayad sila.

Magbasa pa
6y ago

Thank you sa advice :)