Birthing Experience
Hello mga mumsh pwede ba kayo mag share ng birthing experience nio whether normal or cs, kinakabahan kasi ako,sino nag shave sa inyo? Nakahubad ba kayo? May privacy parin ba? Nahihiya kasi ako sobra, pasensya na po anxious lang talaga, makikita ba nila buong katawan?

ako Mi nung nakaramdam na ako ng labor linggo ng madaling-araw ay gorabels na agad kami ni hubby sa public hospital na pinag check upan ko, walang babaeng doktor na naka duty ng time na yun kaya lalaking doktor unang nag IE saken at hindi ko na ininda yun kasi mas nanaig sa isip ko na makaraos kami ng maayos ni baby. Nag trim lang ako kasi may phobia na ako sa shaving ng private part, then during labor na masakit na ng matindi napapabukaka ako sa kama na hinihigaan ko kahit pa may mga nakapaligid sakeng nasa kani-kaniyang hospital bed. Kahit pinagtitinginan ako wapakels grabe yung sakit x4 during dysmenorrhea, then nung nag 8cm ako dinala na ako sa delivery room at nakakatawa iniwan nila akong nagdudusa sa sakit sabi nung magpapa-anak saken namnamin ko daw yung sakit para mapaisip ako next time kung gusto ko pa manganak o hindi hahaha pero sobrang memorable saken yung araw na yun at talagang tumatak saken. Ngayon 5 months na kami ni baby, kaya mo yan Mi magdasal ka lang palagi at palagi mong iisipin na magiging maayos kayo ni baby. 💙
Magbasa pa