Breech Position

Mga mumsh possible po bang mag cephalic position siya pag 35 weeks na? natatakot ako baka hindi na siya umikot.. 29 weeks ako last nag pa ultrasound breech po siya.

Breech Position
51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I have breech presentation story... 5x ako nagpauLtrasound from 24 weeks... Then, puro breech presentation ng baby ko...kinabahan na talaga ko kasi sabi ng ob ko Cs na daw ako... HaLos iischeduLe na ko iCs... Lahat na ginawa ko...music and light na ilalagay sa puson... Wala pa rin nangyari... Nanood ako sa YouTube ng mga exercise for breech baby...useless pa rin..kinakausap ko sya every morning, night almost everyday at hinihinas ko sya and pray... Isama na din nten ung naglalagay ako ng unan sa balakang kada umaga pag ka gising...last October 28 nagpauLtrasound uLit ako.. 38 weeks and 3 days... Finally!!! Cephalic na c baby ko...nawala lahat ng kaba ko... Nging OK na Lahat... Kaya ngaun.. Waiting nlng sa labor... Lalabas na sya ng maaus.. Prayer pa rin ang powerful ☺️ kaya wag mawalan ng pag asa sis... Mgbabago pa sya ng pwesto 😘

Magbasa pa