Need advice.

Mga mumsh, magiging masama ba kong mommy kung ayaw ko na makisama sa tatay ng anak ko? Kung ayaw ko na sya ipakilala sa anak ko? Puro pasakit nalang kasi binibigay nya sakin simula ng magbuntis ako. Hndi pa man lumalabas anak ko niloloko na ko, gusto ko na sya layuan pero gumagawa sya praan pra makausap ko ulit sya, magiging okay sya tapos uulit na naman sya.. Tapos iba ung pnapakita nya sakin kesa sa pinaparamdam nya sakin, halos walang pakelam sa anak ko. Takot lang kasi sya mag isa kaya nya ayaw ako pakawalan, ?? Ayaw ko na sana ipakita anak ko sknya paglabas kasi ayoko masaktan at madisappoint ung anak ko. Sobra sobrang pahirap at pasakit nalang ?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes, hangga't maaari wag ka na makisama dun sa lalaki. Pero sabi mo nga "ama ng anak mo". Kung padadala ka sa galit, talagang yan ang gugustuhin mo, na ilayo ang bata, ganyan din ang gusto ko at binabalak ko kung uulit magloko ang asawa ko, PERO, hindi natin pwedeng alisin sila sa buhay ng bata (unless talagang wala siyang kakwenta-kwentang tao/ama) bilang ama, kailangan din naman ng bata ng ama. Visitation rights siguro ang maibibigay mo, hingan mo ng sustento. Ikonsulta mo sa lawyer yung karapatan ni baby bilang anak, humingi ka rin ng protection just incase may mga "agawan" sa batang eksena. Hanggat maaari, gawing mapayapa ang lahat ng proseso, para sa bata. Maging civil na lang sa ama, pero wag na makisama. Pray kay Lord for guidance 👍 Surround mo ang sarili mo ng mga taong nagmamahal at handang mag-protect sa inyo ni baby, the best kung uuwi ka muna sa iyong mga magulang.

Magbasa pa