23 Replies

Yes, hangga't maaari wag ka na makisama dun sa lalaki. Pero sabi mo nga "ama ng anak mo". Kung padadala ka sa galit, talagang yan ang gugustuhin mo, na ilayo ang bata, ganyan din ang gusto ko at binabalak ko kung uulit magloko ang asawa ko, PERO, hindi natin pwedeng alisin sila sa buhay ng bata (unless talagang wala siyang kakwenta-kwentang tao/ama) bilang ama, kailangan din naman ng bata ng ama. Visitation rights siguro ang maibibigay mo, hingan mo ng sustento. Ikonsulta mo sa lawyer yung karapatan ni baby bilang anak, humingi ka rin ng protection just incase may mga "agawan" sa batang eksena. Hanggat maaari, gawing mapayapa ang lahat ng proseso, para sa bata. Maging civil na lang sa ama, pero wag na makisama. Pray kay Lord for guidance 👍 Surround mo ang sarili mo ng mga taong nagmamahal at handang mag-protect sa inyo ni baby, the best kung uuwi ka muna sa iyong mga magulang.

Ganyan din po ako. Pero hinayaan ko siya mambabae at magsawa sa mga gimik niya habng nag bubuntis ako nakakastress talaga noon pero im 37 weeks 3 days preggy na at natanggap ko na namanhid nalang ako. Kase kung yun ang kasiyahan niya ibibigay ko :) kung bumalik siya okay lang sakin ayoko naman ipag damot anak ko dakanya kasi siya ang ama. Ayoko kase mafeel ng baby ko na wala soyang tatay. Ok lang na di kami nung father pero ok sila ni baby. At full support nama sila ng mommy niya sakin. Ob ko kasi mom ng father ng baby ko. Tho inalagaan ako sa first hanggang 6months ko na pagbuntis tapos after nun nag hiwalay kami di pa kami nag babalikan. True love will find its way back patience lang mommy di pa huli ang lahat ❤ isipin niyo nalang si baby. Magsisisi din yan in the end. Kawawa kasi si baby naiipit dahil lang sa maling desisyon. Lahat may paraan.

think about what's best for your baby if you feel na parang wala lang din mangyayari kahit nandyan pa yung father nya it's ok. Maging civil nalang kayo for the baby wag mong ipagkait sa kanya si baby kasi if he truly cares for your baby gagawin nya lahat para sa baby even if wala na kayo. Layuan mo sya kung gusto mo pero yung anak nyo dapat wag mo itago dun natin kasi malalaman kung may pakialam ba talaga sya bilang ama o wala dun sa bata. Kung pag labas ni baby tas wala syang ginagawa or feel mo parang wala lang sya pabayaan mo sya basta ikaw hindi mo pinagkait ang bata sa kanya sya ang kusang walang ginawa para sa bata.

Kung ako nasa sitwasyon mo and the relationship is toxic and unhappy, it's time na umalis ka na habang maaga pa. Kahit buntis ka, you still have a lot of opportunities. Kung wala kang support na makuha sa family and friends mo, we have organizations here sa Philippines that supports pregnant/ distressed women. And as long as hindi ko nakikita any sincerity nya sa pagbabago nya, I won't allow my baby na makasama sya. My baby doesn't need a Dad na hindi kayang magpakatatay sa kanya. I won't let him disappoint and hurt my baby gaya ng ginawa nya saken.

Yung tatay ng baby ko walang kwenta. Gusto pa nya ipa dna baby ko pag labas kasi di daw sya sigurado kung kanya ba to. Babaero kasi. E gago pala sya bubuntis buntisin nyako tapos takot sya sa responsibilidad. Kaya sinabi ko sa magulang ko na diko na ipapakilala sknya anak ko. Tamang kilala sya ng magulang ko pero di na mahalaga makilala sya ng anak ko dahil wala syang kwenta. Simula pagbubuntis ko puro hirap at stress inaabot ko. Di pako sinusustentuhan at ni minsan diko nakita na nag care sya sa bata. I deserve better. Karma na bahala sakanya.

I think mas okay ng seperated kayo pero in a nice way kasi may baby kayo e. Ipakilala mo pa din baby mo sakanya, baka mahal nya yung bata kaya lapit sya ng lapit sayo. Set ka ng agreements or rules kapag kikitain nya baby nyo. Andun na tayo sa may galit ka sa tatay nya kasi babaero at manloloko pero tatay nya pa din yun. Wag mong ipagkait sa bata yung karapatan nya dahil lang sa galit ka. Mas magiging magaan din pakiramdam mo sa ganung paraan kasi wala kang tinataguan at makakapagmove on ka ng maayos.

kung ayaw nyo na po sa tatay ng anak nyo wala naman din magagawa sa ganun pero sana po wag nyo ipagkait sa bata yung may tatay sya...kawawa din naman po si baby kung maghanap sya ng tatay....usap nlng muna kayo ng tatay ng anak mo na ganyan gusto mo para naman aware sya na may pagkukulang na pala sya at para naman magabayan nya baby nya kahit na maghiwalay na kayo at para sa peace of mind nadin nya kawawa din naman po kase kung mawawalan sya karapatan sa baby im sure mahal din nya yan baby nyo

Kung di kana masaya at toxic na ang pagsasama niyo bilang magpartner, better pong makipaghiwalay na kayo. Wag mong stress-in sarili mo. Pero yung karapatan po ng tatay sa anak niya at ang karapatan ng anak mong makilala ang tatay niya, wag na wag niyo pong ipagkakait sa kanilang dalawa, kahit gaano pa man naging masama yung father ng anak mo sayo, ibang usapan ang relasyong ng mag-ama.

Hindi mo naman kailangan makisama sa kanya. Kung niloloko ka niya wag na momsh. Think about yourself. Lalo na ngayon may baby ka na. pero wag mo ipagdamot yung bata sa kanya karapatan ng bata na makilala siya yung ama niya. Just be civil for your child.

VIP Member

If yun ang makakabuti sa inyong dalawa ng anak mo, then do it. Ipaliwanag mo nalang sa anak mo ang nangyari pag nasa tamang edad na sya. Buntis ka pa man din. Di mo kailangan ng ganyang stress ngayon. Baka mapano pa kayong dalawa ng baby mo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles