Painless injection
Hi mga mumsh ask ko lang po kung sino na po naka experience mag pa painless injection delivery Nag plan po kasi kami magasawa na magpapainject ako pag manganganak na ako. I want to know kung worth it po ba mag pa inject ng painless. Salamat po sa sasagot.

Ako momsh muntik na. Pero yung nurse na on duty sa akin that time habang nag lelabor, I encourage ako na wag mag painless. Cordcoil si baby ko. Kaya induced ako at 24 hours nag labor. Habang nag labor, sa sobrang sakit, tinanong ako ng doctor kung magpapa painless ako dahil parang mamamatay na talaga ako sa sakit. Kaya sabi ko oo doc dahil diko na kaya. Pagbaba ni hubby para magbayad ng anesthesia, mahaba pila kaya di sya makabayad at umakyat ulit. Tinanong ako ng nurse sabi magpapa painless pa ako eh 6cm naman na at pwede naman daw nya ako e sedate as long as needed. Kasi pag painless, possible na pati si baby makatulog sa loob at mas lalong hindi bumaba at baka ma cs pa ako. Kaya natakot din ako. Iniinda ko nalang lahat ng sakit at ayoko ma cs. Nailabas ko naman sya. Kahit ang tagal bumaba at 9cm palang pinutok nalang ng ob ko panubigan ko. Kasi nag iiba na heartbeat ni baby.
Magbasa pa
Hannah Luisa's Supermom❤️