botlig
Mga mums,bakit kaya parang nagkabotlig yung baby ko halos buong mukha na po niya. Ano po kaya dapat kong gawin para mawala. Nag alala na po kasi ako.. Tapos nagmumuta dn po ang mata niya. ?
Ilang weeks or months na ba baby mo? Because its just normal and then later mawawala din yan basta paligoan lang din si baby. Use soft wash cloth para hindi harsh sa balat. And you can also wash her face with the body wash your using. As for me i really recomment cetaphil its pricey but worth it naman talaga pwede naman din tipirin pagka gamit. When i used the cetaphil body wash nawala gnyn sa baby ko and kuminis ang skin nya and she become ligher kc medjo itimin anak ko nung lumabas kc medjo mapula pula cya sabi nila pag ganun medjo morena balat but so far now nag lighter skin nya parand same skin na kami di na sa daddy.😂
Magbasa paNormal lang po sa newborn mommy. Liguan nyo lang po araw araw and wag nyo na muna i-kiss si baby sa mukha para di ma irritate. Yung pagmumuta po, dahil yun sa hindi pa ganun ka developed ang tear ducts nila. Linisin mo lang din po ng malinis na cotton na may tubig. Na experience ko din sa baby ko yan dati nag clear din naman after 1 month sya.
Magbasa paMami try nyo po palitan yung sabon ni baby like cetaphil or physiogel recommended po yan ng mga pedia at derma . Iwasan nyo din ang panay hawak o kiss kay baby. Sa nagmumuta nyang mata breast milk po ang sagot diyan. Kuha ka lang ng cotton ball at ipatak ng bahagya sa eyes ni baby twice a day.
Na exp ko lahat yan sis. Yung pagmumuta kasi nga prang clogged po yung tear duct nya at hindi pa fully developed. Ginawa ko nun prang minassage ko sa bridge ng ilong nya at malinis na cotton balls with my BM pamunas. Nawala din. Yung butlig2 paarawan mo lng. Normal lang yan sa mga newborns.
Yung butlig po nya prang parami ng parami sis.
Ilang months na po ba?Normal lang po ganyan baby ko noong 1to 3 weeks palang siya sobrang alala ko rin po noon kasi first mom at wala akong alam kong ano yang ganyan dami din siya botlig lage lang siya may guantes sa kamay para di niya makamot
2 weeks pa lang sya sis..
Liguan mo nLang sis gamit sabon na Lactacyd gnyan baby ng ate ko ka 1mos Lang nung 29 nwala na yung gnyan nya
Mainit po ata and dumi po yan kaya paliguan lang po everyday si baby at lactacyd na baby bath po or cetaphil
lagi dapat pong malinis mukha ni baby. agapan nyo lng po sya sa punas then air dry.
Ano pong mgandang pamunas kay bby sis?
Normal lng po yan ganyan dn sa baby q, mawawala lng po yan 😁
Bka dahil sa init yan mommy or better seek ur babys pedia
Hindi ko po kasi sya ma i pa check up. Kasi sabi po ng mga side ng bf ko normal lang dw. Wala ako magawa..
Dreaming of becoming a parent