Buntis then Kasal

Hello mga mums. Buntis po kase ngayon then gusto po ng bf ko magpakasal kami bago ako manganak. Kaso ayaw ko pa po talaga. Di pa sya ideal sakin since di pa din financially stable kami. Pinipilit nya po akong magpakasal kase para daw yun sa bata at itatama nya mali nya. Tanong ko lang po opinion nyo? Tama po ba ikasal dahil nabuntis.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana all inaaya magpakasal kahit buntis. Ako nga gusto ng parents ko makasal ako habang dipa nalaki yung tiyan ko e. Yung partner ko naman ayaw kasi sabi ko kahit sa huwes lang muna. Ayaw niya kasi minsan nalang daw ikakasal hindi pa sa simbahan. Ngayon 23 weeks 4 days nako buntis. Lagi lang niya sinasabi pagkapanganak ko na tsaka kami magpapakasal. Nawalan nako ng gana pag usapang kasal. Planado na kasi last year kasal namin then may financial problems bigla kaya di natuloy sabi ko okay lang plano nalang ulit. Nung stable na ulit sabi ko kahit sa huwes lang ayun ayaw na niya. Tapos kahapon nahuli kong may babae. Lalo nako nawalan ng gana sa kasal.

Magbasa pa