17 Replies
Sana all inaaya magpakasal kahit buntis. Ako nga gusto ng parents ko makasal ako habang dipa nalaki yung tiyan ko e. Yung partner ko naman ayaw kasi sabi ko kahit sa huwes lang muna. Ayaw niya kasi minsan nalang daw ikakasal hindi pa sa simbahan. Ngayon 23 weeks 4 days nako buntis. Lagi lang niya sinasabi pagkapanganak ko na tsaka kami magpapakasal. Nawalan nako ng gana pag usapang kasal. Planado na kasi last year kasal namin then may financial problems bigla kaya di natuloy sabi ko okay lang plano nalang ulit. Nung stable na ulit sabi ko kahit sa huwes lang ayun ayaw na niya. Tapos kahapon nahuli kong may babae. Lalo nako nawalan ng gana sa kasal.
If di ka po ready, dont. One of the things in life na dapat mo pagisipan is ang KASAL. Hindi madali yun lalo na kapag di ka sure. I got pregnant sa ex ko, and im turning 7mos na. Gusto ng parents ko at ng kamag anak nya na ikasal kmi, may part sa akin na, gusto kasi para sa bata, para may masabing "buong pamilya" pero naisip ko, mahal ko ba tlga sya, pagkatapos ng lahat ng ginawa nya, or kng mahal dn ba nya ako or dahl lang sa libog kaya nya ako pinakisamahan noon. So end point: kapag ramdam mo, sa guts mo, na di ka sure, wag muna, dapat sure ka talaga. Dahil di po biro ang maitali sa isang tao na di ka sigurado😊
well mommy. nasa paguusap nyo yan ni bf. ako mommy buntis ako non nung nagpakasal kame ni hubby. 8months na nung kinasal kame. ayaw ko pa din magpakasal that time. pero iniisip ko nalang yung anak ko. di naman ako takot kung magloko sya or what. nasaisip ko lang that time yung anak ko. tapos 2 na kaming magdedecide para sa kanya. kung nakita mo naman mommy yung willingness nya sayo at handa syang magbago sa Lahat, Go. pero kung ayaw mo pa talaga ok lang din yan. wag ka msyadong mastress at magmadali.
Buti kapa po inaaya magpakasal pero ako pinanagutan nga pero sa tuwing nagagalit siya sinasabi niya ayaw daw niya magpakasal sakin at di pa siya ready magka family although 30 na siya. Pero kung ako din naman ayoko pa mag pakasal din kasi wala pa rin siyang work. i explain mo nalang sakanya momsh kung ano talaga saloobin mo para both kayo magkaintindihan tsaka kung mahal ka naman talaga niya mag wwait siya kung kelan kana ready.
Kung ikaw po mismo ayaw mo pa magpakasal wag nyo na po ituloy, mas maganda kung parehas kayong ready at totoo na gusto nyo magpakasal hindi lang dahil nagka baby kayo. In the end kasi ang baby nyo lang rin ang mahihirapan pati ikaw pag pinilit nyo ung kasal na hindi naman mutual ang desisyon. Mahirap at mahal po mag pa annul kaya dapat isipin nyo po ng maiigi yung magiging desisyon nyo. Pwede naman chill lang muna kayo.
Para saken hindi basehan ng kasal keso nabuntis ka. kami ng asawa ko magpapakasal sana kaso mas pinili ko magpatayo ng bahay, kasi mas importante un. ngayon kapapanganak ko lang. kung ano nasa puso mo sundin mo aun ang makakabuti sayo. kesa magpakasal ka at itali mo sarili mo di ka naman sure e ikaw din magkaka problema sa bandang huli. Mahal ang annulment, sa panahon ngaun ang daming naghihiwalay ng kasal na
Hindi naman masama kong di pa kayo kasal basta andiyan siya para pirmahan ang birth certi,ni Baby puwede naman ipalagay yan after makasal kasi ganun ginawa namin naka pirma siya at ng kinasal kami pina habol nalang namin lalo ngayon napaka hirap mag asikaso ng papers mas dilikado mag kuha ng requirements dahil ang virus nag kalat
para po sakin hindi tama na ikasal dahil lang sa nabuntis o sa bata dahil pagdating ng oras/panahon hindi lang ikaw ang masasaktan kahit ang bata na naging dahilan kung bakit kayo nagsama ay madadamay din di man po tama sa paningin ng iba ang magkaanak ng di kasal pero mas maganda na po yun kaysa sa huli ay magsisi
kung hindi ka pa sure sa kanya, hindi. kasi itatali mo ang sarili mo sa kanya for life. mahirap ang annulment sa Ph kung sakali at maghihiwalay kayo. kung hindi pa matagal ang relasyon n'yo, hindi tama na magpakasal dahil sa baby.
for me YES, dapat naman tlga mauna ang kasal kaysa sa baby. but since nauna na si baby at gusto nman ng daddy niya pakasal why not. Yung iba nga naghahabol na pakasalan. At tama naman for your baby. Security ng baby mo yun at 0ara legitimate