Pagpapaligo kay baby. Tuwing kelan po ba talaga??

Hello mga momshy.. Palabas lang ng sama ng loob. Napipikon kasi aq minsan sa LIP at sa side niya. 3weeks old si LO ko. Ayaw nila paliguan araw-araw si baby. Since umuwi kmi galing hospital dalawa o tatlong beses pa lang ata naliliguan si baby. Jusko once a week lang ata to napapaliguan. Ni punas di ko magawa. na try ko isang gabi para mapreskuhan si baby kaso react din agad sila. Baka dw sipunin. Eh warm water naman pinangpunas ko tas dinamitan ko agad. Mainit si baby pero wala naman lagnat. 36.1 lang temp nya. Eh sobrang init ng panahon kaya gusto ko liguan. Sinabi ko na sa LIP ko na yun ang bilin ng dalawang pedia ni baby. Bath everyday. Abah ang sagot sakin wala daw siya pakelam sa pedia. Pera2x lang dw ang mga un. Parang tanga lang eh bata ang pinag-uusapan dito. Laging fussy at mainit likod ng bata lalo na sa pagkakahiga. Tas sabi pa ng MIL hindi naman daw mabaho ang baby kaya hindi dapat lagi liguan. Kaya dw sinisipon mga bata ngaun dahil lagi niliguan. Di tulad noon ung mga anak niya. Kaya ayun masyadong sampalataya ung LIP ko sa ganun sistema. Ang hirap lang mga sis prang wala aq karapatan magdesisyon para sa anak ko. Tinatamaan n nga ko ng postpartum ganun pa sila. Pahingi naman ng advice. Nahihirapan na kc aq baka biglang masagot ko n lng sila ng pabalang pag hindi ko na kinaya. P.S dito pala kmi naka stay sa bahay ng MIL ko kc panggabi LIP ko. wala kami kasama. kaya di aq makakilos ng ayon sa gusto ko para sa anak ko. PPS FTM ako kaya takot ako gumawa ng kung ano pa man baka maka harm ky baby. #1stimemom #firstbaby #pleasehelp #advicepls

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po minsan naiinis ako sa mga pamahiin na wala namang kasense-sense. Para ano pa at may mga doctor kung mas maniniwala tayo sa pamahiin at sabi sabi. Sabi nga ng partner ko, madami na sanang mayayamang tao kung totoo ang mga pamahiin na yan hahaha. Nabuhay po yung bata sa sinapupunan natin na nasa tubig. 9 months siya sa tubig. So bakit bawal paliguan everyday?? Kung tayo nga pong adults na , maiirita ka pa kapag mainit tapos dika makakaligo diba, pano pa kaya sa mga babies natin. Ang sipon naman po ay viral infection hindi nakukuha sa pag ligo ligo πŸ˜‚

Magbasa pa
4y ago

yan nga din ang pinapaliwanag ko LIP ko. ayun takot ata masigawan ng nanay nya pag di sumunod. ako lumalabas na kontrabida ngaun at kesyo mas kylangan sundin ang matatanda.