Pagpapaligo kay baby. Tuwing kelan po ba talaga??

Hello mga momshy.. Palabas lang ng sama ng loob. Napipikon kasi aq minsan sa LIP at sa side niya. 3weeks old si LO ko. Ayaw nila paliguan araw-araw si baby. Since umuwi kmi galing hospital dalawa o tatlong beses pa lang ata naliliguan si baby. Jusko once a week lang ata to napapaliguan. Ni punas di ko magawa. na try ko isang gabi para mapreskuhan si baby kaso react din agad sila. Baka dw sipunin. Eh warm water naman pinangpunas ko tas dinamitan ko agad. Mainit si baby pero wala naman lagnat. 36.1 lang temp nya. Eh sobrang init ng panahon kaya gusto ko liguan. Sinabi ko na sa LIP ko na yun ang bilin ng dalawang pedia ni baby. Bath everyday. Abah ang sagot sakin wala daw siya pakelam sa pedia. Pera2x lang dw ang mga un. Parang tanga lang eh bata ang pinag-uusapan dito. Laging fussy at mainit likod ng bata lalo na sa pagkakahiga. Tas sabi pa ng MIL hindi naman daw mabaho ang baby kaya hindi dapat lagi liguan. Kaya dw sinisipon mga bata ngaun dahil lagi niliguan. Di tulad noon ung mga anak niya. Kaya ayun masyadong sampalataya ung LIP ko sa ganun sistema. Ang hirap lang mga sis prang wala aq karapatan magdesisyon para sa anak ko. Tinatamaan n nga ko ng postpartum ganun pa sila. Pahingi naman ng advice. Nahihirapan na kc aq baka biglang masagot ko n lng sila ng pabalang pag hindi ko na kinaya. P.S dito pala kmi naka stay sa bahay ng MIL ko kc panggabi LIP ko. wala kami kasama. kaya di aq makakilos ng ayon sa gusto ko para sa anak ko. PPS FTM ako kaya takot ako gumawa ng kung ano pa man baka maka harm ky baby. #1stimemom #firstbaby #pleasehelp #advicepls

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kapatid ko Gabi-Gabi naliligo baby nya . Wala nman nging problema hndi nga skitin eh 😍2 yrs old na ngayon . pero nung ako ang nanganak 5 yrs ago . Ang Ligo ng Baby ko . Lunes , Myerkules , Sabado ska linggo . bawal daw martes ska huwebes byernes . sumunod nlng ako heheheh .

VIP Member

For me, early in the morning,kasi ganyan din ung sa hospital..tpos everyday dapat mommy bsta okay si baby(walang lagnat at di masama pakiramdam ni baby)part kasi yan sa body development nya. Mas irritable kasi sila,lalo na ngayong mainit ang panahon

4y ago

Minomonitor ko naman temp ni baby. hindi naman lumalagpas ng 36.5 sobrang init lang talaga ng pakiramdam niya siguro kaya ung likod niya mainit at pawis. Hinihintay ko lang ung inorder ko sa shopee na net sa bath tub ni baby para kahit di siya buhatin maliliguan siya. pag dumating n un lagi ko na liliguan si baby.

Yung baby ko po nung pinanganak halos araw araw ko po pinapaliguan basta po mabilisan lang kc Baka po masobrahan nman ng paligo mag ka sipon nman po.. Ganyan din po ung MIL ko pero d ko sinusunod kc Alam ko nman na Tama ginagawa ko sa baby ko 😊

4y ago

slamat sa sagot momshy.. :)

hirap naman gumalaw pagganyan. Pero if I were you bubukod kami pero malapit pa din sa kamag anak yung bahay. Nakatira din kami ngayon with my MIL..pag mga ganyang bagay, ung LIP ko ang sinasabihan ko kasi sya ang magsasalita sa mama nya.

4y ago

inaaway ko na nga LIP ko eh nagtataka pa siya kung bakit mainit ulo ko sakanya. eh parang wala ako karapatan magdesisyon para sa anak ko. gusto ko na nga sabihin sige ikaw mg alaga sa bata ako magtatrabaho ng malaman mo ang hirap. hahahah.. kakainis talaga eh.

37 weeks na ko dito ren kami nakikitira sa MIL ko hahaha parang kinakabahan ako ahhh 😂 ayoko pa naman makipagaway sa MIL malas daw yun mabigat sa buhay, kaya pag nakapagipon ipon talaga kami pipilitin ko talagang bumukod

subrang init ngayon mommy, dapat ikaw pa din masusunod, everyday po dapat naliligo c bby pwera lang kung my lagnat e para nmn mapriskohan . hehe gabe s MIL, antayin pa atang babaho c bby😔

ganyan talaga mga MIL tapos yun pa sinasamba ng mga partner natin. di talaga sila naniniwala sa mga doktor 🥴🥴. sana lang makayanan nyo na bumukod para wala na sisita sa inyo

4y ago

meron naman kami tinutuluyan na bahay kaso sa likod lang ng bahay ng MIL ko. hahahah.. eh ngaun panggabi sa work si LIP pinaakyat muna kami dito sa MIL ko para may kasama kami ni bibi. Kung ako lang eh gusto ko talaga bumukod o kaya sa parents ko muna mag stay para marami ako kaagapay mag alaga sa anak ko. di p kasi stable ang job ni LIP. graduating na sana siya dis June kaso napurnada ung OJT nila. kaya nagwork muna sya sa electronics company. ako naman nag aaral din (though 31yo na qo). graduating na next yr kaya di din kami basta makaalis sa side niya. thankful naman aq sa lahat ng tulong ng family ni LIP kaso nasobrahan lang talaga ako sa pamahiin nila at desisyon nila para kay bibi. ako ang ina sana naman may say din ako db? hehehe. anyway thank you sis. this help me alot.

ayoko ng ganyang mil kaya nasa samin ako kasi para ako magdedesisyon sa anak ko. kasi mahilig talaga mangialam mga inlaws kaya mabuting bumukod or umuwi sainyo

VIP Member

Ang alam ko pag newborn di talaga kailangang araw araw.. Pero kung mainit naman panahon. Do your thing. Anak mo yan. Kaw dapat nasususunod

Uwi ka sainyo sis. walang sariling desisyon yang lip mo promise gagaan pakiramdam mo. kahit wala permiso nya uwi ka sainyo