Pagpapaligo kay baby. Tuwing kelan po ba talaga??

Hello mga momshy.. Palabas lang ng sama ng loob. Napipikon kasi aq minsan sa LIP at sa side niya. 3weeks old si LO ko. Ayaw nila paliguan araw-araw si baby. Since umuwi kmi galing hospital dalawa o tatlong beses pa lang ata naliliguan si baby. Jusko once a week lang ata to napapaliguan. Ni punas di ko magawa. na try ko isang gabi para mapreskuhan si baby kaso react din agad sila. Baka dw sipunin. Eh warm water naman pinangpunas ko tas dinamitan ko agad. Mainit si baby pero wala naman lagnat. 36.1 lang temp nya. Eh sobrang init ng panahon kaya gusto ko liguan. Sinabi ko na sa LIP ko na yun ang bilin ng dalawang pedia ni baby. Bath everyday. Abah ang sagot sakin wala daw siya pakelam sa pedia. Pera2x lang dw ang mga un. Parang tanga lang eh bata ang pinag-uusapan dito. Laging fussy at mainit likod ng bata lalo na sa pagkakahiga. Tas sabi pa ng MIL hindi naman daw mabaho ang baby kaya hindi dapat lagi liguan. Kaya dw sinisipon mga bata ngaun dahil lagi niliguan. Di tulad noon ung mga anak niya. Kaya ayun masyadong sampalataya ung LIP ko sa ganun sistema. Ang hirap lang mga sis prang wala aq karapatan magdesisyon para sa anak ko. Tinatamaan n nga ko ng postpartum ganun pa sila. Pahingi naman ng advice. Nahihirapan na kc aq baka biglang masagot ko n lng sila ng pabalang pag hindi ko na kinaya. P.S dito pala kmi naka stay sa bahay ng MIL ko kc panggabi LIP ko. wala kami kasama. kaya di aq makakilos ng ayon sa gusto ko para sa anak ko. PPS FTM ako kaya takot ako gumawa ng kung ano pa man baka maka harm ky baby. #1stimemom #firstbaby #pleasehelp #advicepls

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello mamsh, ganun din inlaws ko, yes! mas matindi pa ung FIL ko๐Ÿ˜‚ mapamahiin, kaya pati si Husband sobrang loyal sa paniniwalang wag liguan si LO every Tuesday and Friday bawal din gupitan ng kuko ๐Ÿ˜‚ that time sakanila kami nag stay almost 2mos, pero ako nag sabi ako hubby, na paniniwala lang un kahit mejo naiinis sya sakin, kaya pinilit ko maka uwi samin kasi na d depressed na ko sa pamahiin nila (weeks palang after ko manganak) tapos akala pa nila sakin walang alam sa pag aalaga ๐Ÿ˜‚ hello? ako alalay ng nanay ko before sa bunso namin (9yrs gap) MIL ko pa nag papaligo sa LO ko mga ilang linggo din un, kaya pinilit ko talaga maka uwi samin para mag karon ako ng Peace of Mind! ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜‚ until nag ka rashes si LO at dinala namin ni Hubby sa pedia, ayun! naliwanagan siya na dapat daily ang paligo kay LO๐Ÿ˜Š kaya ngayon ako ang nasusunod sa anak ko at hindi ung Pamahiin nila ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜Š FTM here โœ‹need mo mamsh kausapin si LIP mo, kayo pakikisamahan nya

Magbasa pa
4y ago

bawal po ang water 6mons pababa

So ayun na nga. Nag away na lang kami ng LIP ko ng bongga. Hindi maunawaan gusto ko eh. Para naman ipapahamak ko anak ko eh paliligo at pagpunas lang naman sa bata ang concern ko. Naiipit daw sya samin ng MIL ko. Hindi magawang magdesisyon para samin. Gusto pa din ipilit ung panahon noon kesa kung ano ang panahon ngaun. At sa bata na lang dw sya tumitingin. Mukang kumakaway na ang pagiging "single mom" ko ah hahahahah.. Pero seriously sumosobra na stress ko. Di pa nawawala postpartum depression ko kung ito man ung nararansan ko ngaun. Hindi pa ako maunawaan ng LIP ko. Binat talaga dzai ang aabutin ko sakanila..

Magbasa pa

Ako po minsan naiinis ako sa mga pamahiin na wala namang kasense-sense. Para ano pa at may mga doctor kung mas maniniwala tayo sa pamahiin at sabi sabi. Sabi nga ng partner ko, madami na sanang mayayamang tao kung totoo ang mga pamahiin na yan hahaha. Nabuhay po yung bata sa sinapupunan natin na nasa tubig. 9 months siya sa tubig. So bakit bawal paliguan everyday?? Kung tayo nga pong adults na , maiirita ka pa kapag mainit tapos dika makakaligo diba, pano pa kaya sa mga babies natin. Ang sipon naman po ay viral infection hindi nakukuha sa pag ligo ligo ๐Ÿ˜‚

Magbasa pa
4y ago

yan nga din ang pinapaliwanag ko LIP ko. ayun takot ata masigawan ng nanay nya pag di sumunod. ako lumalabas na kontrabida ngaun at kesyo mas kylangan sundin ang matatanda.

mommy ganun din MIL ko nung newborn baby ko. actually almost 1month kami di naligo ni baby ๐Ÿ˜† pero nung naliguan na si baby inaaraw araw ko na paligo sa kanya. and halfbath warm water pag 6pm. wag po kayo maniwala na sisipunin si baby kapag lagi naliligo. mas lalo po magkakasakit si baby pag di nililiguan gawa ng libag sa katawan.. at ang sipon po na nakukuha ng mga baby e kapag nilalabas sila at di tinatakpan. nalalanghap po nila ang usok, alikabok.. mas okay din tlga na lagi naliliguan ang baby kasi presko at nakakatulog sila ng ayos

Magbasa pa
4y ago

mother ko dn yan lagi sinasabi..pero every tues and fri half bath lang. bimpo bimpo lang. iba kasi klima tska hangin noon

dont listen to them mommy. try nyo na pong bumukod ni lip. kase kapag nasa poder ka nila may masasabi at masasabi sila. kahit na iba ang panahon noon sa ngayon. si lo ko nga 3 to 4x a day ko paliguan nung tag init. nung nalaman ng byenan ko, pinagsabihan ako. well pinaliwanag ko ng mabuti yun sa kanila na iba ang panahon noon sa ngayon. kaya yun walang nagawa byenan ko, di naman nagkasipon si lo ko. basta mommy sundin mo yung bilin ng pedia bi baby. try mo pahidan ng VCO, wag baby oil before mo paliguan.

Magbasa pa
4y ago

cge mommy.. salamat

Huhu relate mamsh, yung mama ng partner ko kasi ang nagpapaligo sa baby ko e walang tiwala sakin pag liluguan ko ang anak ko baka daw mabitawan ko at ang bagal ko daw kumilos, nakakainis lang. Sisipunin daw pag araw araw naliligo e di naman ako naniniwala, ang init kaya,nakakaawa anak ko pag naiinitan at di naliguan e, gusto ko na rin umuwi sa amin haynako

Magbasa pa
4y ago

Kaya nga, lahat nalang e. Di talaga natin maiiapply yung "Your child, your rules" kung hindi tayo bubukod, kastress lang

VIP Member

daily ang paligo sa baby at bago matulog nililinisan din ng warm water gamit bulak kasi yung gatas sa leeg nag cacause ng rashes yun atska maghapong mainit syempre kahit baby pinapawisan din. Ganyan gingawa ko sa baby ko para presko sya kasi alam naman natin sa pilipinas mainit wag igaya sa ibang bansa ang panahon #1sttimemomdinโ˜บ๏ธ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

Learn to compromise sa mga MIL. Pagbigyan din at matutong makisakay paminsan minsan para di bad shot sa kanila. Pede mo isama si MIL pag check up c baby ... join din sya sa online check up sa pedia para sya na makipagtalo sa doctor๐Ÿ˜…. Kung di naniniwala sa doctor yan... di sya umiinom ng gamot or maintenance......

Magbasa pa
4y ago

hahaha. eh ngaun nga po sandamakmak ung gamot niya sa mga sakit niya. iniintindi ko naman po kaso nga lang naaawa naqo kay baby. lagi mainit likod. pinapawisan. namumula na kakaiyak kc naiinitan. tapos my mga rashes na sa mukha.

gawin mo lang po kung ano ung alam mong tama at kung ano ung mkaka buti kay baby, pero dapat po every day ligo nya pra ma preskohan kc mainit po panahon ngaun, pag pinag sbhan ka po, wag mo na lng po pansinin or explaine mo po sa kanya or pag nag punta kayo s pedia nya sama mo po sya pra maintindhan nya kung ano sbi ng pedia.

Magbasa pa
4y ago

sya na nga papasamahin ko ky bibi sa follow up check up.

pedeng every other day para ma retain ang moisture ng skin anytime of the day bastat kulob ang room or bathroom. Make sure after mong paarawan ng hubot hubad (i expose lahat ng skin) 30 mins after bago paliguan para di ma washed out ang Vitamin D (steroid) at para well absorbed.