cephalohematoma

Hi mga momsh.meet my 6days old baby "LANCE NATHAN" he was suffering from cephalohematoma. Nakukuha po ng baby yan kapag matagal mag dilate yung cervix ng mga mommy naiipit po yung part ng ulo nia sa mahabang oras.kaya mga momsh na manganganak palang hanggat kaya nio po iire ng bongga itodo nio na po. Hindi naman delikado yung ganito two wiks or a month mawawala po siya basta hindi po dpat siya mauuntog o mahahawakan palagi sa part na yan para maiwasan ang kumplikasyon.pero kahit hindi delikado nakakaawa pa rin po si baby pàg nakikita ko kalagayan nia iniiyakan ko talaga.naawa rin ako sa panganay ko kasi hindi nia malapitan o mahawakan kasi sinasabi namin na may bukol si baby at bawal mahawakan,excited pa naman siya mahawakan si baby. Kaya sa mga soon to be mommy,kayang kaya nio po yan,wag ng pakeme keme sa pag ire kapakanan ni baby ang isipin natin. #pls.pray for fast recovery of my lo. Salamat po sa matiyagang pagbabasa.

cephalohematoma
52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mawawala rin yan ma'am. Pray lang po tayo and extra cautious lang po kapag hinahawakan lang si baby. And wag po i place ang head ni baby ng paulit2 sa same position nya po para iwas ma press ng todo.

4y ago

Yung sa lo ko hindi po nawala yung bukol nya. Nagharden na sya kaya hindi pantay yung ulo nya. Sana mawala na talaga to para normal na yung ulo nya. 1 month and 9days na sya ngayon.