cephalohematoma

Hi mga momsh.meet my 6days old baby "LANCE NATHAN" he was suffering from cephalohematoma. Nakukuha po ng baby yan kapag matagal mag dilate yung cervix ng mga mommy naiipit po yung part ng ulo nia sa mahabang oras.kaya mga momsh na manganganak palang hanggat kaya nio po iire ng bongga itodo nio na po. Hindi naman delikado yung ganito two wiks or a month mawawala po siya basta hindi po dpat siya mauuntog o mahahawakan palagi sa part na yan para maiwasan ang kumplikasyon.pero kahit hindi delikado nakakaawa pa rin po si baby pàg nakikita ko kalagayan nia iniiyakan ko talaga.naawa rin ako sa panganay ko kasi hindi nia malapitan o mahawakan kasi sinasabi namin na may bukol si baby at bawal mahawakan,excited pa naman siya mahawakan si baby. Kaya sa mga soon to be mommy,kayang kaya nio po yan,wag ng pakeme keme sa pag ire kapakanan ni baby ang isipin natin. #pls.pray for fast recovery of my lo. Salamat po sa matiyagang pagbabasa.

cephalohematoma
52 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello po. Yung baby ko may ganyan din, malambot sya nung una pero naghaharden na sya. 1month na sya ngayon pero hindi parin nawala. Hindi pantay yung ulo nya dahil sa bukol.

3y ago

ilan months nawala bukol ni baby mo sis?

VIP Member

Avoid pillow muna po mommy pra bumilog ang ulo ni baby.. grabe ung pagire nyo tabingi tlga ulo nya.. pero maaus din po iyan massage lang pakunti kunti👍🏻

try mo po lagyan ng bonet si baby, ganyab din ako sa first born ko sobra pa jan ang haba, now bilog na bilog na at sobrang tigas nadin ng ulo

3y ago

anu ginawa nyo

hopefully mafully recovered na po,ang cute ng baby niyo,stay strong din inay,kaya po yan,,bsta doble ingat nalang kay baby,,

Cone head ang first baby ko pagkapanganak. Kasi pinagpahinga ako ni OB Ng 1 hr to gain my strength. Pero umokay naman siya.

My ganyan din anak ko nung pinanganak ko sya nahirapan din kasi ako ilabas sya... ngayon mg 3years old n sya nwla nmn po

4y ago

Ilang months po nawala yung bukol nya sa ulo? Sa akin kasi nag 1 month na sya ,hindi pa rin nawala. Naghaharden yung bukol nya kaya di pantay yung ulo ni baby. Worried na tlaga ako

..ganyan din po anak ko.. now 5 years old na siya nawala naman po... naipit din siya kasi 1st baby hindi pa ako marunong umire..

4y ago

maam ilang months po ba nawala yung bukol niya?

Sabi sakin wag daw Basta Basta umire hanggang Di pa talaga fully dilated. Pero babalik din Yan Momsh tiwala Lang.

baby ko dati pahaba ulo nya dahil nahirapan din ako umire.pero nakuha nman sa hilot ngayon ok na ulo ni baby

Helo po..ilang months or weeks bago ma okey c baby..ganon din kasi baby ko..At ano po yong ginawa ninyo?Salamat

4y ago

Sa akin hindi na soft, nagharden na sya pero hindi pantay ulo nya kasi hindj nawala ying bukol. Worried na nga ako. 1 month and 9days na sya ngayon