Dumi ni baby

hello mga momshii Ok lang po ang dumi ni baby na matigas di po kasi ako ng papa breasfeed Bona po yung gatas nya 1 is to 1 po yung pag timpla ko hiyang po ba nya gatas nya oh kailangan po i consult sa pedia ? thank you po sa sagot sorry po sa picture

Dumi ni baby
48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kala nyo mas healthy un formula dahil mas mataba ang babies na nakaformula than breastmilk. But fat does not equate healthy. D porket mataba e healthy na. Mataba talaga mga nakaformula dahil galing sa gatas ng baka ang formula milk para sa mga baby na baka na may apat na tyan. So ang composition ng formula milk ay para sa mga baby na baka na apat ang tyan. Isa lang tyan ng babies naten kaya pag uminom sila ng formula mabilis tumaba at antukin. Pero wala yan benefits ng breastmilk ng nanay which is yung mga antibodies para maprotektahan ang babies naten. Nagaadjust din ang breastmilk natin sa needs ng babies natin which is so amazing. Kaya bakit gusto nyo ng formula??😪😪😪

Magbasa pa
VIP Member

Bona rin gamit ko sis , medyo sinubrahan ko ng konti sa tubig , konti lng namn , hiyang namn sya sa bona hindi matigas ung poop nya , 2 1/2 na timpla ko sa kanya 1 mos and 18 days . Malakas na.kasi.dumede . Pag matigas parin poop nya palitan mo ung milk ni baby ibig sabhin hindi tlaga sya hiyang .

Nako mommy mukang matigas yung dumi ni baby tyak nahihirapan syang ilabas yan kawawa naman si baby.. pagganyan hindi hiyang si baby sa gatas..pwede punta ka sa pedia para makapagbigay ng tamang gatas para sa baby mo..saka babasahin mo yung nasa likod ng box kung ilang scoops ang 1oz.

VIP Member

Hard poop tlga pag wyeth lalo na ung bona kya nung pinaconsult ko c baby sabi ni pedia dpat palitan milk nya bka kc magkaalmoranas daw kya nilipat kme sa friso or hipp organic na mas mahal tlga kc ung nagNan nmn c baby sobrang hina nya magdede din grbh ung amoy ng poop sobrang baho.

Bona din baby ko nun bago panganak habang di pa malakas gatas ko. Hanggang nag mixed feeding ako kasi ayaw nya dumede sakin. Ganyan din pupu nya nun. Nahihirapan sya pumupu tuloy. Kaya pinalitan namin ng Nan optipro HW. Nahiyang si baby dun. Ganda na ng poop nya ngayon.

1 is to 2 po sis ang pagtimpla..Baby ko bonna sya before ngayon po bonamil na..60ml isang scoop lng po ..titigas po tlga pupu nyan ni baby sis kasi po kulang sa water..Nasa box po sis kung pano sya timplahin

alam ko yung pantakal ng bonna is malaki.. so dapat 1scoop then 2oz ng water... titigas tlga ng ganyan yan pag kulang sa tubig at sobra sa gatas.. basahin nyo din po yung nakalagay sa box..

Bonna din sakin ganyan din poop nya pero nagconsult ako sa doctor ko, kasi pinacheck ko kasi hirap magtae binigyan nya ako ng NAN ONE mahal pero hindi na matigas tae ng baby ko.

VIP Member

kawawanman c baby ang tigas na agd ng pupu nya. kulang ata sa tubig yung gatas or bka di sya hiyang. ask your pedia about other milk

Bonna din gatas ng baby ko pero indi ganyan ang pupu nya,60 ml water and 1 scoop lang ang bigay ko,un naman ang sabi dun sa gatas

2y ago

Kapag bonnamil po 1 scoop to 30ml water. Pero sinasabi kapag nagsearch ako 1 scoop to 60ml.. sa box po ng gatas dapat sundin ko po diba?