32 Replies

Sa public ako nanganak cuz it's practical. Pero yung plan talaga namin ng asawa ko eh sa private kasi andun na lahat ng checkup ko. Pero yun nga, nagdecide ako last minute na public na lang. Di naman ako nagsisi kasi alagang alaga ako ng mga nurses at doctor kahit public sya. O nagkataon lang talaga na wala akong kasabay manganak 😆. 600 lang bill namin both ni baby. Mandaluyong Medical Center ako nanganak.

Kung may budget, go ka sa private hospital. Mas maaalagaan ka dun. Sa public, hangga't di lumalabas ulo ng bata walang pakialam mga yan. Hangga't kaya ka nilang i normal gagawin nila kahit mamamatay ka na sa sakit at kailangan na talagang i-cs. Realtalk lang may mga ganyang public hospital. Di ko naman nilalahat pero "MAY MGA GANYAN"

Kung san hospital ng ob ko :) Clinic lang kase ako pero sa hospital nia is private, kaya nl choice ako.. Mas okay na si ob magpaanak sakin kahit sa private, kase alaga tayo ng ob natin e. And yung perang gagastusin, kikitain pa yan.

mas prefer sa private nlang mas lalo pag first time mom kasi dimo pa alam kung paano style ng panganganak mo , para atles maibigay nila agad in case nagkacomplikasyon mga ganun ba ,tsaka mas maalagaan at maaasikaso ka nila .

ma's maganda manganak sa private Kung may Healthcard ka na accredited Nila at philhealth kasi konte Lang bayaran MO. OK Lang din naman sa public Kung dapat Lang budget MO at lying in Kung wala naman complications baby mo

VIP Member

First time mom here. Prefer ko private kasi talagang aalagaan ka doon. Base po yan sa mga napagtanungan ko na. Di raw masyado maasikaso sa public. Dahil first time ko, gusto ko yung comfortable ako talaga.

Private hospital ako kasi pinagipunan talaga namin,hnd ako nagsisi kasi sibrang maasikaso ang nurses at mabait. Dagdag pa na magaling at affordable ang OB ko.

Depende sa budget tsaka sa feedback ng hospital, kung may history ng may namatay na sanggol sa panganganak dahil sa kapabayaan nila auto pass

Public ako sa panganay ko. Pero ngayon sa private ako nagpapacheck up at manganganak. Mas okay ngayon sa private Kasi kakatakot ung pandemic

ako sa lying in ako nanganak last week para ka rin naka private dahil kunti lang kayung pasyente at naaalagaan talaga kayu

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles