constipated si baby ?
hi mga momshies! matigas po kasi poop ni baby and naaawa po ako sa kanya sa tuwing nadumi sya kasi iyak sya ng iyak ??tapos nagdugo pa yung pwet nya kasi pinipilit nya ilabas, ano po ba mainam na gawin yung hindi na kelangan magtake pa ng gamot si baby...by the way 7mos na si baby at bottle fed din po sya,,thanks po sa mga sasagot Godbless ☺️
baby ko ganyan din kahapon lang constipated na ulet siguro kasi last week binalik ko sa same level ng water at scoop ng milk.....kasi nakikita ko ok naman pag poops nya.... mga 5pm nilagyan namin ng supository yong for kids.... kasi umiiyak sya ng magpoops... matigas yong poops nya at buo buo.... naiyak pag dudumi pero kahit papano madulas pagilalabas na nya.... tinutulungan ko nalang sya tinataas ko paa.... nakakaawa tlga.... nag stock talaga kami ng supositories lalo n lockdown hindi kasi masabi kung kelan constipated si baby ko.... so far ok naman sya gamitin..pero hanggat maari normal na pagpoops. ngayon lang ulet sya nagkaganon turning 10months n sya this May.... siguro mga 7 months nag start maging constipated.... pero simula ng pinapakain ko ng pureed veggies at fruits everyday naging ok n pag poops nya... yong water ng milk nya sobra din ng half ml lagi , tapos water pinapainom din palagi.... sobrang init din kasi ng panahon kaya nakakadagdag din na mawalan ng maraming tubig katawan ng bata.... bukas papakainin ko ulet ng papaya buti may hinog na sa tanim namin.... hiyang din baby ko sa papaya nakakatulong din para lumambot poops nya.... hindi ko muna papakainin ng saging.... need naring palitan milk nya kasi sa milk talaga sya constipated, hindi n siguro sya hiyang..... after ng lockdown kasi hirap mamili.... may stock p ko ng milk papaubos ko muna try mo sis na dagdagan water ng formula nya , pakainin mo din ng fruits, or try mo palitan milk nya kasi hindi baka hindi hiyang si baby mo
Magbasa paWala po atang ganun. Baby ko pinakain ko ng saging first time ko cya pakainin non, nahirapan cya tumae 6 months na cya going 7 months na nextweek, nag ask ako sa doc. Niya via text lang dahil di maka punta hospital. Sabi niya painumin ko lang daw cya (Lactulose ), inaway kupa partner ko kasi ayaw niya lumabas dahil lagpas na daw ng 10am naawa nako sa baby ko, so ayun sapilitan for emergency talaga nakabili cya ang mahal pero worth it naman cya. Sabi ni doc. Painomin ko cya bago matulog sa gabe kaso dina ako makapag hintay pinainom ko kaagad cya (1ml) mga 1pm ko cya pina inom, pagka 3pm ayon nakatae na cya subra tigas tae niya. After non malambot na ulit tae niya diko na din cya pinapakain ng saging. Tapos more water bago kumain or pagkatapos kumain. Kahit bagong gising after dede tubig naman pero pure breastfeed cya 😊
Magbasa paBawasan nyo po ng scoop ung milk nya. Kung 7oz sya at 7scoop make it 6scoop lang (not sure what scooper u use) basta lamang ng 1oz of water. Then pag nag poop na sya ng malambot balik mo na sa tamang limpla. At since nag sosolid food na si baby. Drink water after kumain.
since nkain na sya ng solid painumin nyo po ng water , bawasan nyo nlng po ung scoop ng milk nya .if d padin bka need nyo mag palit ng milk nya
If formula milk dn po pwede dn nyo bawasan ng milk ung tinutimpla nya pero same water oz p dn po
Pakainin mo ng n blender na malunggay or peras. Chop chop mo na maliit.. or blender mo.
More water lang po o padeddhiin mo lagi
Dagdagan mo po painom ng water madam.
pkainn mo ng hinog n ppaya sis
More fluids mommy 👍🏻
Queen of 1 sunny superhero