Asking about Baby

Hi mga momshies, ilang weeks nyu naramdaman na may napintig na na buhay sa tyan nyu? Ilang months nyu naman naramdaman yung pag galaw ni baby sa tyan nyu? 7weeks preggy na here, pero parang di ko nararamdaman yung pitik ni baby. Kahit pintig po nya. #preggymom #PreggyMoments #preggyMomHere #preggy_7weeks

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Masyado pa maaga 7 weeks, kasingliit pa lang ng butil ng bigas yan. Sakin around 16 weeks ko una naramdaman yung “quickening” na tinatawag. Mga small movement ni baby na parang pintig at alon. Habang tumatagal, mas nagiging strong ang movement nya. Around 24 weeks up ayan medyo makulit na sya nyan. Ngayon nasa 34 weeks na ko, as in ramdam na ramdam na movements nya at mas strong na since mabuto na rin sya nyan. Although depende pa din po yan sa mommy. Nakadepende sa body type, pwesto ni baby, pwesto ng placenta at syempre depende kay baby.

Magbasa pa