Hilo At Suka

Hello mga Momshies hingi lng po sana ako ng help. Lagi po kasi ako nsusuka at nahihilo sa umaga at sa gabi, tapos humihina na po ako kumain parang di na tinatanggap ng chan ko kc isusuka ko lng din. Hingi lang po sana ako ng advice kung ano po mga pwedeng gawin. 1 month pregy po

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy gnyan dn ako.. Puro sabaw nga lng kinakain ko nun.. Ang ginagawa ko kumakain ako ng fruits like banana,orange,watermelon.. D rin ako nagpapakabusog at iniiwasan ko ung mga amoy ng pagkain na nkapgpapasuka skn.. bsta kain lng ng kain kc need ni baby un.. And mention mo na dn s ob mo na sobra pagsusuka mo.. mawawala dn yan, 6months tyan ko ng gumana ult ako kumain..

Magbasa pa

Hi! I feel you po mommy during my 1st trimester..styke ko po dati crackers such as sky flakes kasi wala syang amoy, hindi nakakasuka kainin, or oathmeal.. then more on water or gatorade para rehydrated always from vomiting.. then consult your OB kasi bibigyan ka nya ng vitamins na suited sa paglilihi mo🙂🙂🙂

Magbasa pa

mommy normal po talaga sa buntis yan pag first trimester. maybe you can consult your ob baka may need ka vitamins o ibang gamot pero natural lang kasi talaga mga morning sickness

Naglilihi ka pa kasi momsh. Ako ang ginagawa ko more water lang talaga tas lagi ako may crackers like magic flakes tsaka sky flakes. Di kasi pwedeng walang laman ang tiyan talaga.

Hi mommy! Ganyan po ako til beginning ng 2nd trimester. Hanggang pinaglemon water ako ng ob ko ayun po naglessen yung pagsusuka ko.

Inom parati ng water para hndi madehydrate. Maganda yung le minerale yun inadvice sa akin ng ob ko kesa sa mga gatorade daw.

Salamat po sa mga advice nyo mga momshie super makakatulong po lahat ng advice ninyo 😊😊😊😊 thank you po sa time

Normal lng yan sis..naglilihi ka kc.. try drinking anmum materna tsaka fruits

VIP Member

Normal lang po yan. Kain ka lagi ng may sabaw

VIP Member

More water and fruits

Related Articles