Gusto mag-alaga ni MIL pero ayoko
Hi mga momshies, gusto ko lang humingi ng advice. Open naman ako sa kahit anong advice. Kasi si mother in law nagpprisintang mag baby-sit agad agad after ko manganak. Three times a week daw sya pupunta dito sa bahay (bukod kami) every week yun. Eh hindi pa kami masyadong close kaya medyo awkward pa. Alam kong kelangan ko makisama pero naisip ko kasi after manganak is not the right time para makisama dahil baka yung hormones ko nun sabog sabog na π tapos post partum, gusto ko lang magpahinga sana at alone time with my newborn habang nasa work si mister. Wala pa ako sa mood mag entertain ng ibang tao.. Ang katwiran naman ni mil is ako lang daw kasi magisa sa bahay. Nag-hire naman kami ng baby sitter pero 3x a week lang din. Ano po kaya magandang gawin? Pakisamahan ko si mil or kung tanggihan ko, paano po kaya yung hindi sya maooffend? Pls respect my post po. Thank you!