Confusing diagnosis from sonologist and OB

Hi mga momshies, first time mom here. Nagpacheck up ako kanina ang minanual check ni OB ang cervix, nag pap-smear and kinapa ni dic cervix - parang manual examination ginawa. Then nadiscover na may bleeding daw and nirefer para magpa transv ultrasound. Nagpatransv ultrasound din agad and malikot naman si baby and looking normal naman lahat based sa sonologist, wala din nakitang subchrionic hemorrage. Natuwa nga din si sonologist kasi ang likot at malaki na daw si baby. And then pagbalik kay OB with the result, pinapa-admit ako agad para mag IV ng mas malakas na pampakapit. Super confused kami ni hubby sa reaction ni sonologist vs OB. Di na din kami nakapagtanong ng maayos kasi confused at di na din namin alam anu talaga. May ma-aadvise ba kayo kung tama lang na magpa-admit na kami, on the way na din kasi kami sa hospital pero confused. Concern namin is hindi naman sana makasama kay baby yung mas malakas na pampakapit if normal naman at walang concerning na nakita si Sonologist. Thanks po!

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mag pa 2nd opinion po kayo, ganyan din ako for IV IG treatment na daw kasi after ng LIT treatment ko di pa din nawala spotting. Kaso ang mahal masyado ng IV IG. Kaya nag pa 2nd opinion kami ni hubby. At nakita na sa cervix nagmumula ang spotting ko may infection daw. Base sa utz ni 2nd OB ok naman si baby and walang bleeding sa uterus kaya no need ng IV IG treatment. Thanks God! Malikot din si baby at tama lang ang laki. Binigyan lang ako ng suppository dahil sa infection and other vitamins and continue lang ang pang pakapit then bed rest. So far ok naman na kami. 😊

Magbasa pa