USAPANG OB
hi mga momshies ask ko lng po ano po ang ginagawa ng ob nyo every check up nyo? yung ob ko kasi seems walang pake every check up. pa help naman po kung ano po dapat gawin. #firstimemom #obproblems

hello mommy. if it's bothering you, lipat po kayo ng ob lalo na po kung maaga pa naman ang pagbubuntis nyo. ako po every checkup, kumustahan muna kami ni ob. kwentuhan pa nga actually. 30 minutes minimum lagi ang consultation namin. pero in between, nagtatanong sya kung may nararamdaman ba ako sa ganito ganyan, etc. tapos check ng heartbeat ni baby, pagkatapos nun kwentuhan ulit. ang sarap sa pakiramdam na parang kaibigan mo ung ob mo. 🥰. after nun bibigyan na nya ako ng reseta tsaka request ng mga laboratory. 33 weeks na ako at never ako nastress sa kanya na sa palagay ko bare minimum pagdating sa mga doctor lalo na OB, kasi bawal tayo mastress. kahapon lang check up ko, nagpa-tetanus shot din ako. umuwi na sya kasi wala masyado pasyente dahil maulan din, pero bumalik pa rin sya ng clinic dahil dumating ako.
Magbasa pa