Newborn Clothes

Hello mga momshies, ask ko lang ilang buwan nyo nagamit yung newborn clothes? Saglit lang ba magamit ni baby yun? Eto kasi balak ko bilhin online,masyado na ba marami yan or sakto lang? Baka kasi sumobra di magamit ni baby.hehe TIA

Newborn Clothes
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

depende po sa baby kung mabilis lumaki. pwedeng after 2mos d na kasya sa kanya ung NB clothes, pwede ring until 4mos kasya pa. ok naman yang ganyang kadami dear kc 3-4x minsan nagpapalit si NB pag new born.. lalo na pag may natapunan ng gatas, naihian, nadumihan ng poop, etc. pag d ka nakapagpatuyo ng damit nya tapos onti lang ung stock, risky un sa tag ulan.

Magbasa pa

Depende sa baby mo mamsh. Si lo ko 3kgs nung lumabas di pa nakaka one month medyo masikip na. Tig 1dozen lng binili kong long, short, sleeve less and pajamas na nka newborn size tge rest 1 or 2 size bigger. I suggest you should invest more on bigger clothes since sobrang bilis lng din nilang lumaki hehehehe

Magbasa pa
VIP Member

Ang akin kc ginagamit ko pa sya hanggang 5-6 months. Habang kasya pa sa kanya kc sayang Kung saglit mulang ipasuot. Isa pa palagi kc dapat pinapalitan Ng damit c baby Kaya ok na ok Yan ako kc ilang beses ako makapag bihis sa anak ko. Maraming damit Ang nagagamit ko sa kanya.

VIP Member

ok lang yan mumsh na ganyan karame ang clothes ni baby di naman mahalaga kung ilan buwan magagamit . ang mahalaga yung lahe syang nabibihisan . pero sabi kasi ng biyanan ko hangang 3months pedeng gamitin kumporme sa mommy kung gusto ng palitan ng damit si baby

1 month lang mommy. It depends din kasi sa laki ni baby. Si LO ko kasi ambilis lumaki at matakaw kaya saglit lang nagamit. 2 months palang si LO pero ung damit niya pang 3 to 6 months na. Somehow, okay lang din naman ng set para di ka laba ng laba. :)

Masyado marami po yan momsh. Saglit lang yan magagamit po. Best if may kakilala din kayo na merong pinamimigay or binebenta na 2nd hand clothes for baby. Hindi po advisable na mamili ng marami. Mabilis po lumalaki ang baby sayang lang 😊

Sakin po mga 3weeks lang nagamit ni baby. Mabilis lang po lumaki ang baby e wag ka po masyado bumili ng madaming tiesides, yung mga short jan magagamit mo pa pero yung tiesides hindi na, kaya ang damihan mo po mga sando.

D ako namili ng newborn clothes mommy, kaya paglabas ni bb puro maluluwag damit pang 3 mos and up binili ko, after a few weeks nagkasya na mga damit dali kasi lumaki

One week lang namin nagamit yan. Jusko mas madami pa dyan ang binili ko. Di ko naman alam na malaki baby ko kaya sa ospital pa lang kami napaka sikip na sa kanya.

VIP Member

Tig tatlo piraso lang binili ko mamsh set din sya sa shopee lucky cj ang brand. 649 pesos lang. Saglit lng kase gagamitin ni baby.