Lindol

Hi mga momshie, sino na po nakaexperience nang nalindol dito while pregnant? I'm 28 years old and 6 weeks pregnant lumindol nga po dito sa amin nung April 22. Ang dami kasi nila pamahiin pag nalindol ang buntis kesyo "abnormal" daw ang magiging baby. Kaya pag uwi ko ng bahay pinaligo ako ng suka at kung ano ano pa mga sinasabi nilang gawin ko. Ginawa ko naman po lahat kasi wala namang mawawala. Ang concern ko po ngayon totoo ba na ganoon mangyayari? pleaseeee enlighten me. I'm a first time mom. Salamat po.

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nilindol din kmi sa pampanga nung april 22. buntis din ako 3 months di nman ako tumakbo nung nasa mall kmi kasi delikado tsaka pinainom lang ako ng tubig. Hindi naman po totoo yon kasi ung birth defects po nakukuha po minsan sa lahi ng parents(kung may lahi sila na may problema sa pagbubuntis or sakit po) o kaya naman po sa pagtake ng gamot habang buntis.

Magbasa pa

Wala naman po atang scientific explanation yung pagiging abnormal ng baby kung lumindol at the time na pinagbubuntis mo siya.. . Unless may nangyari sa'yo na physical trauma nung lumindol, possible pa na baka maapektuhan si baby..

VIP Member

naramdaman ko yung lindol last time pero wala naman po akong ginawa, halos 26 weeks pregnant and first time mom. depende po siguro sa paniniwala kung susunod sa pamahiin.

di naman siguro totoo yun. Ako nga wala naman ginawa nung lumindol lumabas lang kami ng building. unahin mo pa ba yan magbuhos ng tubig kesa sa safety mo.

Inom lang po ng tubig momsh, ganun ginawa at pinagawa nila nung lumindol. Pamahiin ng mgamatatanda, wala naman mawawala kung hindi mo gagawin 😊

walang koneksyon yan mommy, lumindol kamakailan naglabor ako pagkamadaling araw, nanganak ako after lunch ok namn normal naman si bb.

Sinabihan din ako ng mom ko about jan. Sabi niya, need ko daw dapat uminom ng tubig after lindol.

sabi ng ob ko yung mga napahamak lang talaga na patient nya ay yunng tumakbo pababa ng building.

Diko naramdaman yung nangyaring lindol. And kakagaling ko lang non sa ultrasound.😂

ako po hindi ko naramdaman yung lindol dko dn alam kung bakit 😅