Constipation during pregnancy

Mga momshie, share nyo naman po experiences nyo on constipation during pregnancy, kung ganu kayo katagal di nadudumi at kung ano po gingamit oh iniinom nyo para madumi.. malaking problem ko kasi ngayon un, lahat n ng pampadumi kinakain at iniinom ko na ang hirap padin.. ???

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes momshie inom ka po madaming water before and after kumain. 3 liters and up po nirerequire ng OB na mainom na water everyday para di din po hirap sa pagdumi. May listahan pa ko nun everyday kung nakaka ilang liters ako ng water na naiinom dahil ung tumbler ko is 1 liter. May hemorrhoids din po ako, napwersa nung nanganak ako sa eldest at lumabas ulit nung sa youngest kaya ang hirap. Ang nakakapag padumi sakin is chocolate. Tapos try mo din po kumain ng food na may gata or milk kung may lactose intolerance para po madumi ka. Pwede din po yogurt and apples. I hope it helps! ❤

Magbasa pa
6y ago

No problem momshie! ❤ kahit atleast 2 liters po everyday okay na po yun para iwas constipation, saka po mag add ng another 1 liter kapag nasanay ka na po.

Before pa ako magbuntis, constipated na talaga ako. Mas doble hirap po ngayon, inaabot akong ilang oras sa cr. Minsan natatakot na ako kasi baka mailabas ko si baby. 1st trimester ko po mga 3 to 5 days ako di nakakadumi. Ngayon po, umokay na. Feeling ko nakatulong din gamot na iniinom ko ngayon. More water lang po at fruits and veggies rich in fiber.

Magbasa pa

Hi sis, try to include fruits rich in fiber like mango, papaya and avocado. I also add oatmeal, so far nag ok na. Before 3-4 days and super hard stool, iyak sa cr. 😅 Tapos madaming tubig 😊 May mga milk din nakakakaconstipate so better monitor mo mga kinakain at iniinom 😊

Constipated tlga ko ever since, mas lumala nitong buntis ako.. Sobrang hinog na papaya, prune juice, more fiber at lots of water advise ni OB ko.. Pero minsan umaabot ako 3-5 days, ayun binago ferrous sulphate ko at binigyan ako ng Duphalac pampalambot din ng poopoo.

Effective sa akin ang pagkain ng oatmeal, hinog na papaya at sympre more water. Naospital pa ako at nagsuppository dhil hindi ako makapoop. Sobrang hirap ng dinanas ko. Kaya sobrang kumain ako ng maayos at puro fruits at less sa mga rice o meat.

Ito din problema ko ngayon ang sakit pa sa ulo pag di makadumi tapos masakit sa pwet. 😣 maraming tubig iniinom ko pero di effective kahit puro may fiber kinakain ko wala parin. Ung vitamins daw kasi ng buntis nakakatigas daw ng dumi 😖

Sakin momsh 2 to 3days ako bago makatae which is common sakin kahit nung di pako buntis .. no effect padin ilan liters na water intake ko .. hinahayaan kulang ,. Tapos tskaa ako mag ccr pag taeng tae nako para labas agad sya

hi po. problem ko din po yan ang sabi po ng OB dapat maka 3 liters per day ng water intake. infairness naman po effective sya, meron din kasi akong hemorrhoids kaya hindi ko talaga pwede pilitin ang pagdumi.

6y ago

thank you po sa advice.. ☺️

Ganyan din sakin si, yung tipong pag papawisan ka talaga ng bonggang bongga mapalabas lang lahat ng sama ng loob sa cr.. hahaha inum lang ng inum tubig, effect kasi yan sa mga vitamins na intake.

More water, yakult, peras at wheat bread po ang normally kinakain ko bukod sa rice at ulam. Minsan 2-3 days din ako hindi nakakadumi mommy pero hintay lang po at wag pipilitin.