Malikot ba si baby matulog?

Hi mga momshie's,πŸ₯° share kolang ah ang likot ng baby ko matulog grabi iniikot ang buong kama.πŸ˜…πŸ™ˆ Kaya ako para safe siya kahit tulog kami ni hubby nag lalagay ako ng mga unan or teddy bear, sa palibot niya.πŸ’– #StaySafeandStayHealthyMoms #positive #staycalm #pleasehelp

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

big no for teddy bear or unan around them kung malikot sila matulog baka masuffocate sila incase mapunta sa mukha nila , ang ginawa ko tinangal ko na yung kama namin I mean yung patungan ng kutson , para iwas hulog at untog since malikot din anak namin

3y ago

Thank you momshie. Oo nga e para di mahulog si baby. kaso lupa na mismo ang sahig namin, wala naman kaming ibang ipang sasapin. Kase maaare ding mapasukan ng ipis, guyam na malalaki or maliit kapag tinanggal namin ang katre.

VIP Member

naku, nawalan kami ng kama dahil sa baby namin. haha. katabi kasi namin eh baka malaglag. sa kutson na lang tuloy para japanese style lang.

3y ago

Hehe tama ang cute pa naman pag ganon. kaso di pwede gawin dito sa kama namin kase lupa na mismo ang sahig namin.