HOSPITAL Or LYING IN?

Hi mga momshie! Saan niyo balak manganak? Ako naguguluhan kung saan dahil sa NCOV19 ngayon. Nagpapacheck up ako sa Hospital w/ Ob po ako ngayon. Nagbabalak magpalit sa lying in dahil sa mga naririnig ko na delikado sa hospi dahil sa NCOV19. Pero nag aalangan naman sa lying in dahil di naman kompleto at mas ok sa hospital dahil just incase of emergency na din daw. Medyo naguguluhan lang dn talaga! Btw MAY pa naman due date ko.

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hospital nlng sis pra IF me mangyaring nd expected andun ka na mismo. Para sa kasiguraduhan lng sis at peace of mind na din. For sure naman po ihihiwalay ang obgyne cases sa mga covid19 patients. Nangyari yan skn before, nag cord prolapse po ako sa panganay ko. Sb ng OBgyne ko kaya ko dw inormal kc ideal weight nman c baby at healthy dw. First born ko sya so tiwala ako na okay lahat at lakasan lng ng loob. Nagkagulatan nlng nun pagpush ko at the same time pagdagan s tyan ko ng nurse bglang lumabas pusod ni baby. Nd inexpect ng OBgyne ko na magkakaganun so itinakbo pa nya ako sa hospital. Ending... na emergency cs ako imbis na normal lang sna. Nagka sepsis pa sya dahil nalaglag ung umbilical cord nya sa floor ng lying in nun. Itinransfer pa c baby ng ibang hospital kc that time kulang ang incubator nla. 2months c baby dun sa isa pang hospital na nsa NICU. Imbis na nakatipid kami, mas lalo pang napamahal. Lesson learned na din smin mag-asawa na kelngan within 9months na nagbuntis ipon lang. Iexceed ang ipon at sa malaking hospital dapat manganak. Not taking any chances kasi buhay nming dlawa n baby ang nakataya. Nwala din smin ung panganay ko after 11months. Ang sakit kc panganay nmin and lalaki pa man sna.

Magbasa pa
VIP Member

Ako yan din iniisip ko ospital sana ako manganak kaso dahil sa virus nag alangan na rin ako.. Ngayong March na due date ko nag decide na kong mag lying in muna kasi walang halong ibang patient na di natin sure na makakasalamuha naten lalo na baka madamay pa yung kasama naten na mag aasikaso saten sa ospi baka mapano pa sila. Pray ko na lng na maging safe delivery ako na healthy si baby at sana nga mawala na bigla ang virus na yan huhu.. FTM here

Magbasa pa

Okay naman sa lying in basta healthy pagbubuntis mo at walang komplikasyon isusugod ka nila sa ospital if ever na kailangan kana i-mergency cs o may mga komplikasyon na habang nanganganak ka may mga lyimg in naman na kompleto gamit for baby like incubator kung high risk naman yung pagbubuntis mo mas okay kung sa ospital ka manganak hindi naman lahat ng ospital may covid 19 patients

Magbasa pa
VIP Member

Para sa akin sa LYING IN na lang .. Kasias konti lang makakasama mo dun at if ever na hindi sila kumpleto ng gamit pwede ka naman nilang i refer sa hospital kung wala kang problema sa panganganak. Hirap na ๐Ÿ˜ž baka tamaan nang COVID19 baby mo lalo na ngayon ndi mo malaman kung saan ba talaga nakukuha yung virus na yan kahit wala ka namang travel history or visitors ..

Magbasa pa
VIP Member

Likewise!!! Yung mga hospital na option ko para manganak e parehong may positive case ng NCOV. Yun kasi yung malalapit dito samin. ๐Ÿ˜… Iniisip ko mag lying in kasi same lang naman yung ob ko sa lying in at sa hospital. Kaso nga lang nag aalangan din ako kasi first baby nga sabi in case of emergency isusugod ka parin sa hospital. Last week of May din due date ko. ๐Ÿ˜…

Magbasa pa

mas ok sa lying in.. kac aq sa 1st baby q dun aq nanganak.. and cla pa nag asekaso ng birth certificate ng baby q.. pina pirma lng aq.. ngayon 2nd baby q dun aq manganganak ulit.kc pag dun mag 24 hours ka lng pwede na lumabas bsta kya mo na tumayo. sa ospital kc minsan napapabayaan, and dami pa qng anu anu kelangan gawin bago mka labas.. #JUSTMYOPINION

Magbasa pa
5y ago

Ou nga sis, hays. Pag iisipan ko mabuti.

Mas maganda pa manganak sa lying in kasi asikaso ka tlga minsan ikaw lang manganganak kahit ksama mo pa buong angkan mo sa room๐Ÿคฃ unlike sa hosp na mahigpit pero ha2yaan ka lang dyan. Pero syempre if maselan kayo ni baby need nyo sa hosp kasi kumpleto equipment. Yun nga lang nakakatakot dahil sa virus ngayon.

Magbasa pa

Ako nga momsh, sa lying in ko talaga gusto. Pero sabi ng midwife namin dito sa center, di na daw pwede kaya pinapunta ako sa hospital para magpacheck up at magkarecord. Wala pa namang cases dito sa amin. Currently at 37wks 2days ako.

Ang hirap kasi sa lying in d nila hinihiwaan para lumabas c baby agad.. Sa hospital kasi hinihiwaan nila ung pwerta pag makita na ang ulo para nalabas agad.lalo na at 3.4kg ng baby ko malaki kaya gusto ko may ganun.

Lying In po. Nanganak ako sa lying in with my first baby at the age of 35, ok naman kami ni baby. 3 years old na sya. Regular Check up at namomonitor naman ang pagdadalantao mo kaya nothing to worry about.