Need Help

Mga momshie normal lang po tong rushes sa mukha ni baby? Ano po ba dapat kong gawin para mawala? Nag aalala ako, 2 weeks palang si baby at FTM po ako.. Sana may sumagot. Salamat

Need Help
250 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Icocomment ko naman to dito. Madaming factors eh. Hinahalikan niyo ba si baby? Pwede ring madumi yung environment or dahil sa damit ng nagkakarga kay baby or natutusok ng mahabang buhok yung cheeks ni baby or hindi hiyang si baby sa bath soap/wash na ginagamit sa kanya or baby acne lang yan. Sensitive po talaga skin ng baby eh kaya dapat concious tayo sa mga ganung detail. With regards sa remedy, wag niyo po lagyan ng petroleum jelly or any oil, lalong dadami yan kasi kumakapit lalo yung dirt sa skin ni baby as advised ng pedia. Better pacheck-up niyo sa pedia niyo para maresetahan agad ang skin rash niya. Baka rin kasi hindi lang yan basta baby acne. Ganyan din kasi sa lo ko, sabi ng matatanda pahiran ng breastmilk which is sinunod ko. Ayun lumala. Nung dinala namin sa pedia pinapalitan yung baby wash niya from baby dove to cetaphil tapos eczacort pamahid sa rash niya. 2 weeks na namin ginagamit yung reseta ni pedia and maganda naman result. Wala nang rash and smooth na ulit skin ni baby ko.

Magbasa pa
VIP Member

try to change bath soap ni baby mo sis. Nagka ganyan baby ko noon gumamit ako ng Lactacyd na blue. Pinalitan ko ng Cetaphil facial cleanser. After mga 1 week lang nagsubside na siya. During paligoo mo sa baby in the morning yan na gawin mo sabon niya. Tapos sa gabi naman punasan mo ng face niya using wet cotton tapos pahiran ng Cetaphil ang face and neck tapos punasan ulit ng wet cotton para mabanlawan. tapos pat dry mo mo na. Don't use powder after ok. Observe mo sis kung mag subside din sa baby mo. Hope this helps.

Magbasa pa

Mommy. Normal yan. Before worried din ako, pero binasa ko lang sa article ng asian parent at smart parenting its normal daw talaga no need pahidan ng mga ointment kagad. Ganyan din face ng baby ko 1 week after ko siya ipanganak. Ang ginawa ko 2 hrs before bath time nilalagyan ko ng breastmilk tapos pangwash warm water with cetaphil baby cleanser. Tapos before bed time pinupunasan ko na lang ng warm water. So far, 3 weeks na si baby ngayon tuyo na yun rashes niya sa face. As in ganyan un rashes niya mommy.

Magbasa pa
TapFluencer

Ganyan din ang baby ko. 4 weeks pa lang siya. Although hindi ganyan kadami ang rashes. Di ako sure kung ano ang cause, akala ko sa pawis lang, pero I think sa bath soap yan ni baby. Johnsons gamit ko... Baka need ko na rin mag change. Pa-check mo na pang din baby mo sa pedia, mummy, baka kasi magka infection si baby... Mas mabuti na yung sigurado tayo sa next step na gagawin natin, kung di tayo sure..

Magbasa pa

gnyan din si baby ko last week pnacheck up nmin sa pedia sv dermatitis ksi pti anit nya my prang ntutuklap na my amoy..normal lng dw na mgkroon ng gnun c bby..pero pnlitan nya dove n gmt nmn..pngmit nya kmi ng cetaphil..then ngreseta sya ng AI lotion ung PHYSIOGEL tpos my nreseta syng gmot n pmphid.2 days plng gmling n agad ung gnyn nya s ktwan at mukha pti ulo..kpg hndi u ksi ngmot kklat yan

Magbasa pa

That’s baby acne, mommy. Meron din ganyan yung newborn ko ngayon. Nag start siya around nung mga 1.5 to 2 weeks na si baby. I had it checked with the pedia and it’s completely normal daw and should lessen gradually ‘till he reaches one month. Mas okay na ngayon yung face ni baby, hindi na masyado agressive yung acne and I try to avoid eating chicken na din since my baby’s EBF. 😊

Magbasa pa
5y ago

Thank you po super worried kase ako

Ingat po sa mga tao na hawak nang hawaknor humahalik kay baby sa mukha kasi delicate ang skin nila. Pwede din naiiritate siya sa gamit na detergent or fabcon sa beddings. Kahit mga sabon na gamit pampaligo sa kanya dapat yung mga mild din. It’s only any of the things I mentioned, although it’s not a cause for serious concern, extra ingat na lang kasi uncomfortable yan sa bata.

Magbasa pa

Andami po niyan. pacheck up niyo na po. At huwag na huwag niyo po muna pakissan sa daddy kung may balbas o bigote po. Kaht kanino po. Sa binti or sa braso po muna pahalikan kung mapagsasabihan niyo po. para iwas din po sa sakit. at pag alis po ng humalik punasan niyo po agad yung part na hinalikan. 🙂😇 hehe ganon Lg po ganagawa ko dati hehe.

Magbasa pa
VIP Member

Hi mommy, nagka ganyan din face ni baby nung days old palang simula from hospital. Trisopure kasi ginamit sa hospital pagka labas ni baby, so hindi sya hiyang. Nung nagpalit na kami to Baby Dove and Cetaphil, nawala na yung rashes nya. Now, ang gamit namin is Baby Dove, Tiny Buds Rice bath soap or Nivea Baby soap. Hindi nagkakarashes si baby

Magbasa pa

nag ganyan din si baby ko..breastmilk lang din., pahid before maligo then no soap sa face..water lang po..and monitor po ng kinakain nyo..baka kasi may nakakatrigger ng allergy..saken napapansin ko pag naguulam ako chicken..bumabalik sya, kaya stop na ako sa chicken..if ever po di talaga mawala..check up na po para sure

Magbasa pa