Kaluskus At Ingay Ng Pusa

Hello mga momshie. Ng hindi ako buntis di talaga ako matatakutin. Kahit sa sala ako matulog okay lang. Pero ngayong buntis na ako gusto ko sa safe na lugar sa kwarto at naka lock mga pinto. Kasi sabi nila pagbuntis mabango daw sa aswang. Kagabi na experience ko. May tunog ng pusa sa labas ng pintuan ko. At parang kumaluskus pa siya sa pintuan ko. Takot na takot ako at pinawisan ng malamig. Labasin ko sana kaso nakita ko ung oras is 1am pa lang. At kung ano2x na na emagine ko. Ako lang kasi mag isa sa bahay natutulog. kasi ofw asawa ko. Pamilya ko malayo sila sa akin. Naka apartment ako. Kaya mamayang gabi maglagay na ako ng bawang sa tabi ko at maglagay ng itim na damit sa tiyan ko. Kakatakot kasi. Para for safety na din kay baby ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

pati ang pinto at bintana sbitan mo po ng bawang at asin.. magtabi k din sau ng holywater and rosary.. at magpatugtog ka worship songs sa gabi

5y ago

Opo thank you sa paalala.