pangontra sa aswang

Kagabi po nag pahid ako ng bawang sa tiyan ko para pangontra sa aswang, sabi po kasi nila mabango daw tayong mga buntis sa aswang, ask ko lang po kung hindi po ba makaka apekto kay baby sa loob ng tiyan ung pagpahid ko ng bawang sa tiyan ko?

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako kasi mamsh matatakutin eh totoo man o hindi nag lalagay parin akong bawang o kaya asin sa may bintana ko lang nilagagay pero di ko pinapahid sa kahit anong parte ng katawan ko. Okay lang sa may bintana . Tinawanan pa nga ako ng tatay ng asawa ko bakit daw may mga asin sa bintana, sabi ko panguntra sa aswang hahaha bwesit kasing Corazon yan haha Corazon ang unang aswang hahahay nako

Magbasa pa

Sa gabi gabi na pagpasok ng asawa ko ng 11pm or 1am, lagi ko sya ihahatid hanggang terrace. Habang hinihintay ko sya nakatingin ako sa labas at nag oobserve ng something weird. Wala e. Ni kalabog or hangin or kung anumang sign ng aswang, wala. Gabi gabi yun and 8mos preggy nko. Tingin ko, di totoo aswang. Nagbebase lang kasi tayo sa mga nababasa at napapanood natin...

Magbasa pa

Momsh hindi naman totoo ang aswang. Myth lang po yun, baka mamaya kakalagay mo ng kung ano ano sa tiyan mo makasama pa sa bata. External nga pero mas mabuting wala kang ipahid na kung ano ano. Wag po basta maniniwala sa mga sabi sabi n matatanda. Hays kawawa yung mga taong naniniwala sa mga sabi sabi at hindi sa Biblia.

Magbasa pa

Hindi naman masama maniwala sa sabi sabi kasi malay mo totoo nga. Yung friend ko pinapagalitan ako kasi gabi na ako nakakauwi, magdala raw ako ng bawang at asin daily so sinunod ko nlng wala namang masama e. Pero ung pahid mamsh baka ma irritate ung balat mo mamsh wag mo nlng ipahid magtabi nlng kau ng bawang pag matulog.

Magbasa pa

wag niyo po ipahid, ako po ang ginawa ko asin, bigas, palay, uling at bawang, inilagay ko po sa plastic tpos nilagay ko sa loob ng pulang tela tpos nilagyan ko po ng perdible.. nagalalagay din po ako ng damit na black sa tiyan ko pag gabi..πŸ™‚πŸ™‚

2019 na po wala pa din naman proof na may aswang hehe. Kadalasan puro kwento lang, walang evidence. Pero syempre, kanya kanya po tayong paniniwala. Mommy wag niyo po ipahid sa tiyan nyo dahil malakas ang bawang, baka mairritate skin mo po.

Calamansi sis ipahid mo sa tummy mo Yung bawang sa bintana o tabi mo lng ilagay..tapos Sabi nila wag ka rin daw matulog ng walang ilaw Sara mo rin lahat ng bintana sa kwarto mo tsaka ilock mo Yung pinto mo

hehe akala q mama q lang naniniwala sa aswang.. lahat nang pintoan namin may bawang at asin, tsaka sa ilalim nang kama q.. buti nlang d nya pinapapahid sa tummy q.. hehe

Aq gumawa ng pang spray na bawang iniispray ko sya pag gabi tas hinaluan ko ng konteng oil kaso madalang kong gamitin kc aswa ko nbbahuan saken hhahaha sa tyan ko

Bawang at asin lang po. Last last day may aswang po sa bubong namin . Bawang at asin lang po yung dinala ko atsaka pray lang po always talaga.