Napkin Or Diaper

Mga momshie, may nagsabi kasi saken na kelangan pala ng diaper or maternity pad ng nanay pagkapanganak dahil nga duduguin. So bumili po ako ng diaper ( pants style po siya yung derecho suot parang panty lang). Sabi nya dapat daw yung de tape mas madali or maternity pad na lang. So kayo po ba ano po mas preferred niyo? Thank you po sa mga sasagot?

177 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

taped diaper po pag manganganak na and mga 1 or 2 days use, tapos maternity pad na po the following days.

VIP Member

kung macs po kayo kailangan po ng diaper, yung maternity napkin naman po para yun sa postpartum bleeding

ako po cs diaper na de tape yung bilhin mo po mahirap at masakit kasi kumilos lalo na ang yumuko pag cs

pwde naman yung pants. meron nun sa charmee. nung nanganak ako hassle nung tape.. lumuluwag.. nahuhubad

VIP Member

Saakin diaper at maternity napkin, may list naman na ibbgay sayo pag i ready mo na yung mga gamit 🙂

Ako po 3days lng nag diaper. Kasi naiirita aq kasi ang init nya gmitin😂pang 4 days napkin nko😊

VIP Member

medium diaper tape ang sinuot ko 24hrs pagkatapos ko manganak. after nun kinaya na ng maternity pad.

ako sis diaper nung una kc cs ako den 2dys nko nag diaper After nun nag maternity pads na din ako

De tape po mas madali tanggalin..lalo na pag nasa ospital ka pa o lying ina ie po kc bago umuwi

Napkin na overnight will do. Di nman ganun karami yung dugo like lang sa mens kapag heavy flow.