How many weeks?

Mga momshie ilang weeks po ba gumagalaw si baby Sa tummy? Kasi yung akin 19 weeks na still di ko parin siya nafefeel worried lang ako kasi first baby ko siya salamat po sa sasagot?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It's okay lang po. Pero try mo mag-experiment, like magpatugtog ka ng iba't ibang klase ng sounds. Observe mo din siya pag kumakain ka o umiinom ng gatas. O kaya pag oras ng tulog mo, sa gabi or madaling araw, observe mo kung gumagalaw siya pag tumagilid ka ng higa o pag nakatihaya ka. Saka madalas mong hawakan ang tummy mo para makaramdam siya ng init galing sa palad mo..

Magbasa pa
VIP Member

18 weeks pitik pitik tapos habang tumatagal ang araw parang lobo na hinihihipan tapos naging parang isdang nagulat kumaripas ng langoy😂 tapos ngayon on my 22weeks may part na ng belly ko na naninigas di ko alam kung paa nya yun o kamay. Dpa visible masyado pero ramdam mo ang galaw nya tuwing katatapos mo kumain.

Magbasa pa
VIP Member

17 weeks and excited at the same time worried din ako sa mga ganiyang bagay. Pero lagi sinasabi ng sister ko na siya nga daw, 6 months na niya naramdaman baby kicks ng 2 yrs old niya ngayon hehe. So I think it's perfectly normal mamsh. Wait nalang natin bebe natin mag sipa sipa 🤣

Try mo pong magpatutog ng melody songs! :) Mga 14weeks ko naramdaman yung pag galaw ng baby ko. Don't worry may mga ganyan tlagang cases na 19wks na hndi mo parin nararamdaman baby mo. Pero try nyo po magpa check up!

VIP Member

18-20 weeks pag ftm. Minsan umaabot ng 25 weeks. Sakin 18 weeks ramdam ko na pitik pitik niya sa puson ko. Mas lalong lumikot ngayong 25 weeks ko ☺️ Mafifeel mo din yan mamsh. Kausapin niyo lang po palagi si baby

16 weeks po sakin. Nagpatugtog ako sa phone, tinapat ko sa tiyan. Naingayan ata sya or something, biglang may pumitik pitik sa loob. Hehe. Nagulat ako. Medyo masakit sya... 😅

5y ago

Try k nga magpatugtog d kasi ako nagpapatugtog

Ngayon 15weeks na akong preggy , nararamdaman ko na sya gumagalaw tuwing umaga bagong gising at lalo na pag nagugutom dun ko sya nararamdaman .

15 weeks po sakin feel kuna sya.gumagalaw na sa tyan q.cguro active c baby malakas..this is my 2nd baby..7 years old panganay q..

Yung iba sis 16 weeks palang ma feel mo na yung little kicks ni baby. Pero ako na feel ko kicks nya nung 19 weeks na sya.

Ako din po 19 weeks di ko pa nafefeel movements ni baby, pero minsan nakakaramdam ako may sumisiksik sa gilid ng puson ko