Naku Misis. Wala kayong maiipon kung sugarol pala si Mister. Tama lang na nasa poder ka nang magulang mo. Bakit ka naman mahihiya sa magulang mo, apo nila yang dinadala mo. Obligasyon din po nila na alagaan ka. Bawi ka na lang sa parents mo Misis kapag nagkawork ka na.
magsabi ka po sa parents mo tapos wag ka makipagsama sa nakabuntis sau kasi wala kwenta tao yang ganyan....masaya naman kahit single parent ehh...my asawa ka at ama nga ng anak mo pero hindi nman nakakatulong...just focus on your baby mamsh kaya mo yan haist
Wala bang center jan sa inio. Para mkapag pacheck up ka at may ibigay na vitamins. Mas mgandang tumira sa magulang kesa sa side nia.. Palayasin mo na yang asawa mo.. Tutulungan ka amn ng magulang mo.. Kahit anung mangyari .
Magiging pabigat lang sayo yang lalakeng yan. Wag mo tawaging asawa di naman kayo kasal. Time will come magiging thankful ka di mo naging asawa yan. Ayaw nyan sa baby mo. Dun pa lang sa sinabi sayo halata ng ayaw ng anak
iwan mo na lang yan sis, kung walang maitutulong sayo. dapat yan nag-iisip na yan ng papasukang trabaho hindi puro pasarap lang at sugal. Ikaw po pwede ka mag-online seller para may income ka at nakakatulong ka sa parents mo🤗
Hinde Nan Masama maging single parent ako Naging single parent ako sa anak ko 18y old din ako non pero ngayon nakahanap ako nang binatang lalake na Sobra kaming Mahal mag Ina diko deserve nang lalakeng walang kwenta
Sa sugal dyan sya nauubusan wala talagang yayaman sa sugal umalis ka nalang po at makipaghiwalay ka sa kanya at umuwi ka sa inyo wag ka na makipagbalikan gagawin lang nyang miserable ang buhay mo.
Sugarol ang Tatay ko. Manginginom pa kaya walang ipon imbis na malaki ang kinikita namin, nauubos dahil pinang susugal. Ganyan magiging future mo sa Asawa mo.
Hayaan muna po yung jowa mo. Sundin mo na lang. Be thankful na nasa poder ka nang magulang mo habang buntis ka lalo na kung okay naman sa kanila.
Mas better kung dyan kana muna sa magulang mo kasi kung dun ka sa asawa mo baka mas lalo ka lang mastress at mas maalagaan kapa dyan sainyo.