Payo naman kayo.

Hi mga momshie gusto ko lang po humingi ng payo kung ano ang dapat kong gawin .nakakastress lang oo kasi sarilihin yung problema wala namn po akong mapagsabihan 5 months preggy na po ako tapos dto po ako nakatira sa parents ko nahihiya na nga po ako sa kanila kasi kahit pagkain hindi ako makabili Tinanong ko po ung asawa ko kung saan po ako titira kase hiyang hiya na po ako sa bahay namin tapos sabi ng asawa ko sa magulang ko daw po muna ? parang tipong ayaw nia kong patirahin sa kanila kase unang una sa lola nia lang sya nakatira tapos wala syang trabaho tapos sugalero pa. Ano po kaya ang dapat kong gawin hindi po ako makainom ngayon ng vitamins at naubos na po ang vitamins ko .sabi ng husband ko hiram muna po ako ng pera sa magulang ko . Tama lang po ba yun bilang ama ng dinadala ko. ? Naiistress na po talaga ako bigyan nio nmn po ako ng payo 18 yearsold plang po ako . Tapos sasabihin ng asawa ko halang daw ang pepe ko kaya ako nabuntis agad ?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka ulit pabuntis sakanya kasi irespondable syang ama.

Ganyan pala Ugali Niya edi Hiwalay mo na

5y ago

Sabihin mo din yan sa sarili mo binubugbog kana din ng partner mo tatanong mopa kung ano dapat gawin. Umalis ka sa puder nya kesa sya pa makapatay sayo. Kawawa baby sa tyan mo kung puro pansarili mo lang iisipin mo. Wag mo isipin mahal mo sya, isipin mo na lang kaligtasan ng baby sa tyan mo.