Hi mga momshie, gusto ko lang maglabas ng mga hinanakit ko dito. Ayaw ko rin kasi mag kwento baka kung ano ano pa sabihin nila. Atleast dito walang makakakilala sa akin.
Btw, ito na nga ako lang ba ang may ganitong sitwasyon yung ikaw lang talaga mag isa sa buhay. Mag isang mag alaga sa baby mo na newborn pa lang mag isang kikilos as in wala kang kadamay. Kasi sa part ko wala talaga akong kadamay since yung partner ko nakapasok ng military so ako ang gagawa talaga mag aalaga sa baby namin. Ni walang support from your family, hindi ka makakain ng ayos, maka pag cr kasi laging buhat si baby, pag nilapag iiyak naman kaya pagod na pagod na katawan ko tapos stress na stress na kasi parati ka na lang papagalitan parati na lang binabalikan yung nakalipas na. Tapos sesermonan ka pa ng tatay mo na kesyo ganito ka dapat kung wala kang anak nakakagala kung saan saan, taong bahay ka na habang buhay. Alam nyo mga momshie ang sakit lang kasi yung inaakala mo na sila ang tutulong sayo pero hindi eh kesyo ginusto ko daw yan pagod na daw sila mga ganun na salita. Actually yung tatay ko lang naman nag sasabi ng mga ganyan buti na lang si mama ko naunawaan nya yung sitwasyon ko kaya salamat talaga sa mama ko na sa twing iiyak yung anak ko sa gabi sya bubuhat kasi hindi tumatahimik saakin yung anak ko eh gusto ata ni baby sa may comforter hehehe chubby kasi si mama kaya tumatahimil si baby, kaya lang naman po umiiyak dahil may kabag po si baby. Hirap maging single mom pala, pero hindi po ako single may partner po ako. Kaya saludo ako sa mga nanay na mag isang nagtaguyod sa kanilang mga anak. Ganun din sa mga magulang na may karamay. 🤗 hoping na mahing okay pa ang mental health ko.
Lane