ang emotional ko sorry ?

May boyfriend ako na 6 years older sakin tapos simula nung nalaman niya na buntis ako inaalagaan naman niya kami ni baby at pinaglulutuan minsan nga pati pag hugas di na niya pinapagawa sakin pag pagod or antok na ko, hindi kami nagsasama talaga kasi I'm working in BGC tapos siya resigned na to find a better paying job, may boarding house ako pero once or twice na lang ako umuuwi pag super pagod ako tapos puro sakanila na kasi para magkakasama kami ni baby (kasama niya nga pala kapatid niya sa bahay) tapos yun nga alaga naman niya ako kaso I feel sad sometimes when I discover something sakanya like nung may iba siyang nilandi naiinis ako kasi di niya ako ininform eh. nakasalamuha ko yon sa workplace namin nung andito pa siya, nakakainis lang kasi clueless ako na nagkafeelings pala siya sa iba na around the circle lang. Tagal niya din yon kinulit kaso nga may boyfriend yung girl pero close close pa din sila. Kaya ayon nakakatampo lang kasi yung samin yung relationship namin mabilis lang naging kami tapos eto after 6 months nagkababy na kami tho gustong gusto naman niya to at binibigay niya lahat ng needs ni baby minsan lang pag nalalaman ko yung part nung mga past niya naiirita siya tas minsan feel ko di nag siya naiinis sa mga nilandi niya before kesa sakin. Ako naman open ako sa mga naging past ko siya di masyado pero sabi niya ako daw ang first girlfriend niya tapos sabi ng kapatid niya ako lang napakilala niya. (Di pa din alam ng kapatid niya na buntis ako haha) P.S di ko siya inaway inask ko lang tapos dun siya nairita.

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same. Nung nabuntis ako nagsama na kami ng bf ko tapos sabi nya pangalawa lang ako sa babaeng dinala nya noon sa bahay nila. Malaman laman ko sa kapatid nya pang apat pala ako🤦‍♀️ at buntis pako nun nung nalaman ko yun at sobrang sumama loob ko. Iyak ako ng iyak sknya na oarang dko matanggap kasi bkit nya tinago sakin e ako open ako lahat lahat sa past ko. Wala akong sikretong hindi nya alam pati family backround ko alam nya kaya sumama loob kasi maliit na bagay lang sana yun di na nya need itago sakin. Pag tuntong ng 7mos ng tiyan ko kinasal na kami ngayon okay nako at sobrang okay na kami. Minahal ko partner ko ng sobra sobra tanggap nya yung past ko at tinanggap ko din yung past nya. Until now wala akong secret sknya miski nga pagutot at pagtae namin nakakatawa man napagkukwentuhan pa. Hahahaha ganun na kami kakomportable sa isat isa, ngayon mag dadalawa na baby namin at sobrang blessed ko nagsipag sya lalo sa work😇 I really loved my husband so much. Wala nakong pakialam sa past nya ang importante ako yung pinakasalan nya🧡

Magbasa pa

ako po.. kinokompronta ko yung bf ko.. nung hindi pa kasi ako nagbubuntis mejo may pagkaselosa na talaga ako.. pero kahit minsan dko sia inaway,, nananahimik lang ako tas pag napansin nia na,, na parang bilang yung mga words ko kapag kausap ko sia,,magtatanong na sia ng kusa.. pero nagiba nung nagbuntis na po ako.. mas naging sensitive ksi ako .. inaaway ko na sia.. lalo kapag may mga nakikita ako o nalalaman.. tas kinokompronta ko na sia.. nakascreenshot pa nga haha 😅😅,, siguro para din sa lagay namin ni baby iniiwasan nia na mastress ako.. kaya iniwasan nia naman yung mga bagay na kinakabwisitan ko.. moral : better confront him momsh,, hindi maganda yung ,, nagkikimkim ka ng sama ng loob lalo preggy.. tsaka hindi lang para sa baby .. para na rin sa ikakabuti ng lagay ng relasyon nio.. 🤗🤗

Magbasa pa
5y ago

Trueee kaya I always confront din mamsh pero in a good way na unlike nung di pako buntis inaaway ko talaga siya hanggang mabadtrip ngayon naman mas naging understanding ako pero sensitive pa din.

VIP Member

3mos palang kame ng asawa ko nabuntis agad ako.. Maasikaso maalaga. And thankful ako na wala siyang history ng mga ganyan.. And siguro di lang ako selosa or mapagbigay ng motibo sa mga bagay bagay.. Minsan kasi kailangan lawakan yung pag iisip at pang unawa natin. To tge point na ikaw naman ang jowa niya ngayon at magkaka baby na kayo.. No need to worry naman siguro about sa ganyang bagay, and hindi na dapat pinag tutuunan ng pansin ang mga ganyan lalo kung ginagawa naman niya best niya to make you happy and comfortable.. May mga lalake lang talaga na hindi open sa mga ganyang bagay, and you need to be open minded sa mga ganyang senaryo. Especially sa case mo buntis ka pa man din, avoid mo nalang ma stress kawawa si baby..just be happy and contented sa kung anong meron ka ngayon o kayo. 🥰🤗😇😇

Magbasa pa
5y ago

Ps. Mag 4yrs na kame ni partner..

Same sis. I feel you, lalo na nung nalaman ko how he pursued yung mga dati nyang mu or whatever. Since kami naman sa friendship lang talaga mag start, hindi ko nga alam pano nya ako niligawan, Unlike those sa past nya, na binibili nya pa ng stuffs ganun. Nakakainis pero wala eh ganun talaga. Di ko ugali maki alam ng messenger nya, pero i did that once nung pinapakelaman ng tropa nya phone nya to call and chat other girls pag nagiinuman sila. Confronted him about it din kaso wala eh, may trust issues na ako agad, then dun ko din nalaman how he pursued those other girls.

Magbasa pa
5y ago

Sakin din nakakatampo kasi talaga na yung iba pinursue niya samantalang kami biglang naging kami lang pero super happy ko pa din kahit ganon kasi ako lang naman yung naging girlfriend niya e yung legit talaga. Nakakainggit langyung past.

Best case na yung willing niya panagutan ang nabuo nio. Marami cases na once na nabuntis na si girl, aayaw na si boy pero good for you na atleast, tanggap niya ang baby. Kausapin mo na lang bf mo and tell him na ayaw mo na close siya dun sa girl na sinasabi mo. Be ready na lang if ever magalit siya kasi uhm 50/50 na kasi yun momsh. Ibig sabihin confused pa siya sa feelings niya dun sa girl at baka may natitira pa. If mag agree naman siya sayo at he really meang it, good for you.

Magbasa pa

Ako 6 months palang kami nabuntis na ako. Pero when he found out everything changed. As in never ko na feel na inalagaan ako hanggang sa eventually need ko na makipag break kasi I caught him lying and clubbing tapos ako magisa lang sa condo di niya mapuntahan. Ngayon financial support lang binibigay niya pero Yolo kala mo binata pa at walang responsibility. Ayun buti nalang nakipag hiwalay na din ako. Nasstress ako sa kanya dati na nagbbleeding pa ako nung 1at tti ko eh.

Magbasa pa

Ganyan talaga mamsh kapag buntis emotional hahaha pero sana maintindihan din ng asawa mo yan tsaka wala naman masama kung mainis ka sa past nya ganun talaga hahaha wag lang sosobra na para mainis ng sobra din sayo hubby mo. Mabilis lang din kami nagkabby ng asawa ko wala pa kami 6 months binuntis na nya ko plinano nya pa yun diko knows haha anyways skl naman. Advice ko lang wag sasagarin pasensya ng asawa kung pwede naman pagusapan ng maayos at lambing lambing din

Magbasa pa

It's just fine as long as hindi naman niya kayo pinapabayaan, before kami magsama ng partner ko dami niyang panlolokong ginawa, nung nagsama kami pinamukha ko lahat ng ginawa niya sakin, tumigil naman siya kasi ayaw niya makipag hiwalay sakin. Sabi ko "kaming mga babae punong puno kami ng chances para sa inyong mga lalaki, wag niyo naman sana kami basta basta lokohin" so far tumino naman.

Magbasa pa

Sis avoid topics na might cause you stressed Lalo na at buntis ka. Focus on your future and the preparation of your birth. For me sis, it's very immature talking about past then making it as a reason of conflict. We can't do anything about the past sis. Instead let's accept their history and create another one.

Magbasa pa

Limang taon na kami ng tatay ng anak ko. Nagseselos ako kapag may nababasa akong mga convo with other girls. Nagagalit ako. Pero at the back of my mind, di naman ako ipagpapalit ng jowa ko. Ewan ko haha I just know na hindi niya ako iiwan para lang sa panandaliang ligaya.